05 - Injured

736 36 0
                                    

"Okay nayan tito." Tinatamad na sabi ko habang naka pangalumbaba.

Nakakailang search na kasi kami ng country na mapag kakasalan.

Finally nahinto narin sa Switzerland.

"Diyan nalang para maka gala ako maganda nature diyan pwede mag solo honeymoon kung baga." I joked and we both laughed.

Okay naman pala tong si Tito Dom eh. Yung anak nga lang niya yung medyo may saltik.

Hindi ko naman masisisi, only child eh, babae pa. Paniguradong buhay prinsesa simula nung fetus pa siya kaya lumaking SPOILED BRATT.

We're currently at their house drinking and talking about the wedding. Masyado ata silang excited ni Papa dahil next week na kaagad ang kasal.

Mabilisan lang daw dahil magiging busy na sila ulit sa business world lalo na at mag kaka connect na ang apelido namin at ako naman ay matatapos na ang suspension.

Tito Dominic nodded while smiling. "Okay... Switzerland it is. Pwede ka namang mag paiwan doon hanggang matapos ang suspension mo. Mas okay nadin dahil pag uwi mo ay naka ayos na ang bahay ninyo ni Eleanor."

Napakamot ako sa ulo ng maalala na makakasama ko pa sa bahay ang anak niya.

Mabuti nalang talaga at hindi ko pa masyadong nakikita yon! Lagi daw kasing late umuwi dahil sa kung ano ano extra curricular activities ni ate girl.

Masipag masyado. Kaya hindi niya ako naabutan na nasa bahay nila dahil gabi na talaga siya umuuwi.

"You know, my daughter really is a good cheerleader."


Tito opened the topic.


Nag kibit balikat ako at ngumisi. "Never seen her perform... Remind me to watch UAAP next season."

He chuckled and nodded. "Sure... Sure... Sa mga oras nayon mag asawa na kayo."

Napapikit ako ng mariin at tumayo na.

"Grabeng asawa yan, flyer pala."

Sinuot ko ang black woman's coat ko na naka patong sa may ulo ng couch na inuupuan ko.

"I need to go po. Baka sabihin ni papa pinagpapalit ko na siya bilang ama-"

"I'm home."

Sabay kaming napatingin ni tito sa nag salita.


Isang naka simangot na babaeng naka tirintas ang mahabang buhok at naka cheer leader outfit.


"Ellie!" Tito greeted.

Two of their house helpers got her things from her as she removed her slippers by herself and put them on the shoe rack beside their main door.

Lumapit siya saamin at nag beso sila ng tatay niya habang ako naman ay inirapan lang.

Oi! Where are the manners tusukin mo eyes nito eh!

"Napa aga ata ang uwi mo ngayon anak?"

"Ugh... Can't you see I'm injured."

She innocently pointed at her feet and looked away as if she was scared to say that to her father.

Nanlaki ang mata ni tito at agad na tumawag ng kung sino.

Nagtaka ako at tinignan ang buong katawan niya, nanlaki rin ang mata ko ng makita na maga sa may ankle ng malinis na paa niya.

Na trigger ang pagiging med student ko kaya't hindi ko mapigilang mag kumento.

Sakto naman may dumaan na kasambahay nila.

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now