10 - Groceries

710 39 0
                                    


Selene Aizen's POV

Ilang araw na ang lumipas simula noong alitan namin.

Hindi ko na siya kinakausap masyado... Hanggang ngayon kasi hindi parin siya nag sosorry sa ginawa niya sakin.

Ako na nga lang ginagawa niyang driver, pinag hintay pa ako sa labas ng limang oras. Sinong hindi maiinis doon?

Sinusundo ko parin naman siya at ihahatid sa bahay namin, pero hindi na ako nag hihintay ng limang oras sa labas ng school dahil umuuwi muna ako para kumain at mag bihis, pagkatapos ay babalik ulit ako ng JHU para sunduin siya...

Pagka hatid ko sakanya sa bahay ay agad din akong umaalis dahil dumederetso ako sa mga gigs namin nila Pyke, madalas na nakainom akong umuuwi pero never ko naman siyang naabutan ng gising tutal madaling araw narin naman ako umuuwi. Iidlip nalang din ako nang mga tatlong oras bago gigising para pumasok ng school.

"Hoy, Aizen! Minum mamaya ah! Don't be late. Important gig yon."

"Mmm... Wag niyo na kong sunduin."

"Anong meron at hindi kana nag papasundo? Dahil bayan sa asawa mo?"

I got cringed by the statement 'asawa mo', making me do a face.

"Hindi... na oo... wala na kayo don."

Tila nag tataka sila Aeron, Larry, at Asher habang si Pyke ay mukhang nagagalit.

"Let's talk." Sabi ni Pyke at tumayo.

Sumama naman ako sakanya tutal papasok naman na kami sa susunod naming klase.

Naglakad na kami sa may hallway habang nag-uusap.

"Are you sure you're not getting abused in that relationship? Cause I'm serious, man. Your brother will hunt me if I won't protect you."

I scoffed. "I can protect myself if ever bro, stop bugging. And nope, physically, I'm not being abused..."

I stopped talking for a while when I saw Rita walking alone kaya't inakbayan ko siya dahilan ng pagkagulat niya.

Pinalo tuloy ako sa braso, ngayon sabay sabay na kaming tatlong nag lalakad papunta sa next class namin magkakaklase din naman kami sa nihonggo

"Tuloy mo kwento mo Aizen." Seryosong sabi ni Pyke kaya't nagpatuloy ako habang ginugulo gulo ang buhok ni Rita, na kinakabwiset niya

"Tss. Nagulo tuloy pusod ko!" Sabi pa ni Rita kaya tinigilan ko na at nag patuloy nalang sa kwento ko kay Pyke.

"Hindi naman siya nananakit tol... Pero... Pero puta yung ugali niya pare! Pare mahirap paki samahan, maarte na hindi ko gets yung kasama ko sa bahay nayon promi— shit!"

Natigil ako sa pag sasalita at pag lalakad nang may tumaapak sa paa ko dahilan nang muntik ko ng pagtalisod kung hindi lang ako naka akbay kay Rita ngayon ay kahalikan ko na siguro yung sahig.

"What the fuck?! Ano ba!" I said while fixing my posture.

Inis kong tinignan ang tumapak sakin pero agad ring nag bago ang ekspresyon sa mukha ko ng mapagtanto kung sino yon

Nanalaki ang mata ko nang si Eleanor pala yung nang apak sakin.

She looks so intimidating since her eyebrows were lifted and her eyes are like stating a message saying 'ah talaga ba'. She also has her two girl sidekicks behind her.

She was giving me a death stare making me gulp... Then she finally talked.

"Watch where you're going ugly delinquent."

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now