08 - Tantrums

685 29 0
                                    

"Madam, pag ba sinabi kong nakatingin dito yung Pressident matatakot ka?"

I frowned. "Ha?"

Napakamot ng ulo si Larry bago umiling. "Wala... S-si Press kasi kanina pa nakatingin dito."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig.

Nandito kami ngayon sa may Cafeteria ng school. Sa may side kung saan puro mura ang tinda. Madalas kasi ay mahal talaga ang tinda dito sa Cafeteria. Buti nalang at may mga stalls sa isang side kung saan mura mga tinda. Budget friendly para sa mga scholars, at para sakin. Mas type ko tong foods dito.

Kakatapos lang ng suspension ko, at kahapon lang kami naikasal nung Buset na Eleanor, kaninang umaga lang din kami nakauwi, pero pumasok parin kami dahil masipag kami, at dahil dito kami pina diretso ng mga bwiset din na magulang namin dahil may kaunti pa daw na aayusin sa bago naming bahay dalawa.

Sa totoo lang ayaw ko nang alalahanin ang traumatic day kahapon.

Tska ko nalang ikekwento. Basta naikasal kami sa Switzerland, nandon pa sila Ate at Kuya na umattend pa.

Habang ako, kaming dalawa, naka simangot dahil hindi namin talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.

Buong magdamag akong hindi nakahinga kahapon dahil nakaka suffocate ang mga pangyayari tila ba sinasakal ako.

Sa ngayon. Gusto ko nalang kalimutan ang lahat at mag palamon sa lupa.

"Thea! Lika kain." Bati ko nang makita ko siya, isa siya na ka block namin sa med school.

Well hindi totally med school, basta program siya, kung saan imbes na 4 years pre med at tska mag memed school ay magiging 7 years nalang at ganap na kaming doctor pag napasa namin ang bar.

It's a program, napapabilis maging doctor basta mag take ka ng exam at mag top ka sa exam nayon, then interview. 30 lang ang swerte na matatanggap at isa na kami don. Right now I'm already a 5th year.

She sat beside me since it was the only empty chair.

She bumped my shoulder and smiled. "Naka balik kana pala! Kamusta?"

I shrugged. "Typical."

We chatted and continued eating, hanggang sa patapos na ang Lunch break namin.

Mag classmate kami nila Thea at Pyke sa next subject kaya't sabay sabay kaming nagsi punta sa room.

Ngunit napahinto kami ng lakad nang may nakita kaming kumpulan ng tao malapit sa Main hall.

"Ano meron?" Takang tanong ni Thea.


"Anyayare?"

"Ampota may away oh!"

"You bitch!"

"Sheesh, vid mo pre. Mag sasabunutan ata."

Nanlaki ang mata naming talo nang marinig ang sigaw ng isang babae.

"Si Hera ata yon ahh..." Sabi ko kay Pyke nang matanaw ang pigura ni Hera.

"Shet." Mahinang bulong ni Pyke ata agaran kaming nag lumapit.

"Excuse us."

Hinawi namin ang mga kumpulan ng tao. Hanggang nasa may pinaka harap na kami.

Nanalaki ang mata ko nang makitang si Hera nga iyon, ang kapatid ni Pyke at si...

Eleanor?

Tila natatakot at kinakabahan ang mga tao.

Ang iba naman ay natutuwa pa dahil may away daw, at may naririnig pa akong mga manok nila.

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now