11 - Wake up

726 32 4
                                    

"Miss Maldita, papanoorin mo nalang ba talaga ako?"

"What?" She innocently asked while eating some pastries.

We're now in the backyard of our house, dito ako nag sasampay sa may tabi ng swimming pool tutal malakas ang sinag ng araw sa parte na toh

After the groceries, we then went to the appliances shop since our parents forgot to buy us a washing machine. Medyo nag talo pa nga kami ng kasama ko dahil gusto niya pa na kulay pink na washing machine ang bilhin namin. Eh wala naman ganoong available sa shop, naisipan pang mag pa costumized kahit kailangan na kailangan na namin.

Pero ang ending, napilit ko narin siyang hindi na pink ang washing machine.

Kaso may kapalit...

"Eleanor naman oh... Mag tea-tea party ka nalang ba talaga diyan? Tulungan mo na kom Ang init dito. Tapos may dinner pa tayo ng 6:30 kila Papa."


"Why would I help you? We have a deal, right? You didn't buy me a PINK washing machine. Then so, you will be the one doing all the work."

I took a deep breath.

Kanina pa kasi ako naka bungad sa araw kaka sampay ng kay dami dami niyang damit.

Wala pa nga sa kalahati ng nilabhan ko ang damit ko talaga. Puro damit niya ang nilabhan ko, hindi ko alam kung anong trip nito.

Parang minu minuto nag chachange outfit at mag rurunaway show sa dami ng sinusuot.

Nang maubos na ang isang basket puno ng damit niya ay kinuha ko narin ang iba pang basket na malapit sa laundry area.

Pinatong ko yon sa may tabi ni Prinsesang Eleanor.

Naka upo lang siya pachill-chill lang sa may lanai malapit sa swimming pool na pinag sasampayan ko.

When our eyes met. I saw a sly smirk on her face seeing how stressed I was right now.

She was gracefully drinking tea, her pinky up, and her legs crossed. Habang ako, pawisan na kahit naka sando na ko at naka half bun ang buhok.

Ang init ba naman! Habang siya naka tutok ang dala-dalawang electric fan at kumakain lang ng pastries niya.

"Tss." Inis na bulong ko at iniwan na siya doon sa may lanai.

Mas nakakainis lang kasi automatic naman talaga yung washing machine, pwede na ngang tuyo na ilabas yung mga damit, pero ang magaling na si miss Maldita ay gusto raw na "sun dried" ang damit niya At kung hindi ko raw susundin ay isusumbong niya ko kay Papa mamaya sa dinner , kaya wala na akong nagawa kung hindi inormal clean at mag sampay

Nag simula na ulit akong mag sampay pero nahinto ako nang makita ang sunod kong sasampayin.

Bra at panty niya...

I gulped and slowly picked up one of her bras. Hinawakan ko iyon sa may strap at tinignan saglit.

H-hindi naman yon sobrang laki, pero aano, mas m-malaki kesa sakin—

"What the fuck are you doing with my bralette!? Ang pervert mo! Put that down! Argh!"

Agad akong natauhan nang may tumama sa mukha ko ng kung ano, at natatarantang sinabit nalang yon sa may sampayan.

....

"I didn't know that when they say it's a family dinner, your whole f-ing clan would be here."

Napa buntong hininga ako.

Naman! Sila Papa naman!

Nakahilera ang magagandang sasakyan sa malaking parking lot sa may harap ng bahay. Tanging space nalang ay ang malapit sa water fountain sa may gitna, papuntang main Door. Malaki naman ang front lot kaya kahit madaming sasakyan ay madami pa ring space for parking. Pinark ko nalang sa space na pinaka malapit sa main door. Pagka park ay hindi agad kami lumabas kaya't kinausap ko siya.





Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now