Chapter 4

26 1 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa alarm ko. Pinatay ko 'yon at natulog ulit dahil inaantok pa ako. Hindi ko na 'yon napalitan ng oras dahil maaga 'yong naka-set para sa pasok ko. It was so different waking up without thinking of your work in the office.












For the past 3 years since I've worked in the Williams Corp. I've always wake up early than my usual routine. If I went in my school when I was in college, maaga naman akong pumasok pero hindi 'yong wala pang araw ay kailangan gising na ako.















My class when I was in college started at 8am. Kaya around 6am or 7am nag-aayos na ako. Pero hindi parin naman ako nala-late kahit kailan. Ibang-iba na ngayon na nagtatrabaho na ako. Ganito pala ang pakiramdam ni Papa na gumigising dati ng mas maaga para ipaghanda kami.

















All of his sacrifices has paid off to me. Kaya ko ng bilhin lahat ng gusto niya at ako na rin ang nagbabayad ng bills namin. It was fulfilling knowing that, you slowly building your dream life.
















If he didn't choose to work as a caretaker, he can stay at home taking care of Andrei. But he doesn't want to stay here without doing anything. Baka daw tsaka pa lang siya magkasakit kapag walang ginagawa. Binibigyan ko rin naman siyang allowance every month.
















"Good morning, Pa. Hindi ka papasok ngayon?" Tanong ko ng makarating ng dining area.

















"Hindi anak... Sinabi ko rin kasi sa may-ari na off ko ng weekends. Papahinga lang ako ngayong araw."
















Ngayon nalang ulit kami nagsalo-salo sa hapag. Pareho kasing busy sa weekdays dahil sa mga kan'ya-kan'yang ginagawa. Sumubo muna ako ng pagkain bago nagsalita ulit.
















"Balak ko kasi sanang mag tingin-tingin ng mga sasakyan, Pa? Kahit 'yong mga second hand lang." Nagdadalawang-isip na sabi ko.















It was so hard going home late kapag nag-overtime ako. It's too dangerous kasi sobrang tahimik na at para ng walang sasakyan na dumadaan. Delikado pa naman 'yong panahon ngayon.


















"Sasakyan ate?!" Masayang sabi ni Andrei.
















"Oo, balak ko sanang kumuha kasi delikado na kapag late akong nakakauwi. At para narin sa atin." Ngumiti ako.
















His face was so happy knowing that I have plans for buying a car. Dati hirap pa kami bumili ng mga gusto namin. Ngayon, parang hindi na masyadong mahirap kasi lahat nabibili na namin. Kahit pa pag-ipunan namin ang isang bagay, pero alam naman naming makakabili kami.
















"Pwede naman magtinging-tingin tayo, anak. Second hand ba talaga ang gusto mo? Or baka naman gusto mo 'yong brand new?"


















"Kapag may nakita akong maganda, Pa. Kahit brand new or second hand, okay na 'yon sa'kin... Ang importante naman kasi 'yong masasakyan ko kapag nag-o-overtime ako."

















"Sino nga pala naghatid sa'yo kagabi, Ate? Overtime ka 'di ba?" Biglang tanong ni Andrei na nagpatigil sa'kin.

















Tanging Dahilan (Daylight Series #2)Where stories live. Discover now