Chapter 19

35 2 0
                                    

I told the Morgue that I will only have three days to mourn for my father's death. Kaya ang mga kamag-anak lang namin na malapit ang nakapunta sa burol. Sa bahay ko pina-burol si Papa kasi alam kung gusto niya rin dito. As I leave the visitors behind, I went to his room and found a letter on his table.
























I picked up the letter and surveyed the room. It was clean and organize. I can still remembee how I went here to talk to him. Kung gaano niya ba kamahal si Mama. Kung paano hindi nawala ang pagmamahal niya para kay Mama. That he was still loving her until his last breathe, at gano'n nga ang ginawa niya.























Dahan-dahan akong umupo sa kama niya. "Thank you for all the sacrifices you've made for us, Papa. I promise to take care of Andrei and let him finish his studies." I murmured.




























Habang binubuksan ko ang sulat ni Papa ay mas lalong sumisikip ang puso ko. Bumibigat ang pakiramdam ko habang nanlalabo ang mata ko sa kakaiyak. It's painful seeing his letter for me in his room. Alam na ba niyang mawawala siya kaya may sulat na siya?

























"To my Andrea..." I read the first sentence. Tumingala ako para pigilan ang luha na lumabas sa mata ko.

















"Alam kung... Pwede akong mawala ano mang oras. Noong isang araw, nagpa-check up ako sa doctor. At sinabing may sakit ako sa puso... Sorry, kung hindi ko sinabi sainyo 'to kasi ayoko kayong mag-alala. Alam mo ba anak? Pagkatapos sabihin sa'kin ng doctor na may sakit ako sa puso? Hindi man lang ako natakot... Kasi, kung sakali mang mawala na ako sa mundong 'to. Alam ko naman na may maganda na kayong buhay. At alam ko rin... Na hindi mo papabayaan ang kapatid mo..." Natutuluan na ng luha ko ang papel.


























"Salamat at lumaki kang may respeto at pagmamahal sa'min ng kapatid mo. Salamat dahil ginagawa mo ang lahat para sa'min, para mabigyan kami ng magandang kinabukasan... Salamat dahil bumabawi ka sa'kin at kahit hindi mo gawin ang lahat ng 'yon, sobrang nagpapasalamat parin ako sa'yo. You and Andrei has been my strength for the past decades since your mother left us... I didn't mourn for my broken heart because I have kids to worry about. I turn my pain into motivations to work hard for your future... Wala akong pinagsisihan sa nagawa ko sa buhay ko... Having you and Andrei as my kids is more than enough for me."




























"At kung lilisanin ko man ang mundong 'to... Gusto ko lang malaman niyo na mahal na mahal ko kayo. Sorry kung hindi ko man lang napigilan ang Mama niyong 'wag tayong iwan. Patawarin mo sana ako, kung may pagkukulang man ako sainyo bilang ama niyo... At alam mo ba kung bakit hindi ako naghanap ng iba no'ng iwan tayo ng Mama niyo? Kasi gano'n ko siya minahal. Alam ko rin ang dahilan kung bakit ka umiyak ng umuwi ka sa bahay... Kasi nalaman mo na kinasal na sa mayamang lalaki ang Mama mo. Pasensya na anak... Kung hindi ko naibigay ang kompletong pamilya sainyo."

































Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. The paper was wet of tears. Sobrang taas ng mensahe niya sa'kin, at hindi ko mapigilang masaktan ng malamang, alam niya pala kung bakit ako umiiyak no'ng gabing 'yon. He was so selfless for keeping the pain to his self.


























Tanging Dahilan (Daylight Series #2)Where stories live. Discover now