Chapter 13

29 1 0
                                    

It was our last day in Siargao and we were just in Nathan's rest house. He was having an urgent meeting kaya nakatutok siya sa laptop niya. He only need his presence kaya having a virtual meeting would do. I wanted to spend our last day here in Siargao. Naikot namin lahat ng tourist spot dito sa Siargao sa loob ng anim na araw.




















Nagluluto ako ng lunch namin ngayon dahil dito lang kami kakain sa bahay. Naka-recieve ako ng text galing kay Amara kaya nireplyan ko nalang muna.




















From: Amara

Hoy! Kailan balik niyo? Mukhang nag-e-enjoy ka d'yan sa Siargao ah?




















Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. This girl, really.




















To: Amara

Bukas ata ang balik namin. Sorry, napasobra ata pag-e-enjoy ko🤪






















From: Amara

So? Nang-iinggit ka? Hindi naman ako naiinggit😭





















I can hear the sarcasm of her message kaya nakipag videocall nalang ako sa kan'ya. Malayo naman ang distansiya ko kay Nathan kaya hihinaan ko lang ang boses ko. Tinatamad rin kasi ako mag-type.




















"Finally! Naisipan mo ring tawagan ako. Hindi mo ba ako namimiss? Bakla ka." Pairap na sabi niya.





















"Day off mo ngayon 'di ba?" Tanong ko.





















"Oo, kaya nga nandito ako sa kwarto e." She showed me her room. "Ano? Kumusta naman d'yan sa Siargao? Maganda ba?"























Ngumiti ako. "Sobrang ganda! Para ngang gusto ko nalang tumira dito e. Sobrang peaceful at nakaka-relax." Litanya ko.
























"Gusto ko ring makapunta d'yan. Pag-iiponan ko talaga 'yan." Malungkot na sabi niya.
























"Hindi bale... Isasama kita ulit dito kapag naisipan kung pumunta." Nakangiting sabi ko.

























"Hindi na 'no! Gagawin mo pa akong third wheel. Alam ko namang single ako, hindi mo kailangan ipamukha." Iritadong sabi niya.
























Natawa ako. "Gago. Ayaw mo no'n? Ililibre kita."























"Libre? Sus. Wala namang problema sa'kin, kailan ba tayo babalik d'yan?" Nag-iba kaagad ang mood niya.

























"Tignan mo! Kapag libre talaga, mabilis pa sa alas kwatro mag-iba 'yang mood mo." Inis na sabi ko.























Tumawa siya ng malakas kaya kinailangan ko pang hinaan ang volume ng phone ko. Baka marinig pa sa background ni Nathan 'yong ingay. Mukha pa namang seryoso ang pinag-usapan nila ng mga ka-meeting niya.






















Tanging Dahilan (Daylight Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat