Chapter 2: Big Brother

2.7K 151 51
                                    


"Sab! Ano na?"

I was glaring at Clark as he walked near me. Nakaupo lang ako sa nakasarang toilet bowl at hindi ko pa inaayos ang sarili ko gaya ng utos niya.

Siya, mukhang inayos na niya ang kinalatan kong penthouse. He even folded the sleeves of his black shirt so he could work properly. And I guess he was done cleaning my place.

"Di ba, sabi ko, mag-ayos ka na?" he scolded. He even stood in front of me and placed his hands on his waist. "Sab, gumagabi na lalo. Ano? Iiyak magdamag?"

"Ivo broke up with me!" I yelled at him. "What the fuck do you want me to do? Celebrate?!"

"O, e di tara!"

"Fuck you!" I took all the bottles of lotions and moisturizers above the sink and threw everything at Clark. "He said he loves me! I gave him everything! Lagi ko siyang bini-build up kay Mum! And now, he broke up with me!"

"Aray! Titigil ka o lulunurin kita diyan sa toilet bowl?"

"HE . . . BROKE . . . UP . . . WITH . . . ME! AAAHHH!"

"Dragon na dragon, ha!"

Pagkapa ko sa sink, wala nang natira doong kahit na ano. I glared at Clark who made my foldable tub his shield to avoid what I threw at him.

"He said he fucking loves me!" I shouted again.

"Sabi na kasing huwag kang magpapaniwala sa gagong 'yon. Isa ka ring gaga, e. Dasurv!"

"I hate you all! Aaaahh!"

I was about to pull my hair out of frustration but a hand kept me from doing it.

"O? Ano na namang kagagahan 'yan, Sab? Tang ina, dadalhin ka na talaga namin ng kuya mo sa doktor, para kang may sapi."

Lalo lang akong umiyak habang pumapalag sa kanya.

I did everything for Ivo. When he said na wala siyang pera, I said, it's okay. As long as he loves me, everything's okay.

I accepted him for who he was, he is, and he will be. Kasi ganoon ko siya kamahal.

When he asked for a brand new shoes, I bought five for him! Kahit sinita na 'yon ni Mum, wala akong pakialam.

When he said he wanted to borrow money from me, sabi ko, kahit magkano, ibibigay ko. And I did! For him! Kasi sabi niya, kailangan niya!

When he said na wala siyang kotse kaya masanay na kaming mag-taxi, I bought him a brand new car! Because I know he deserves it kasi mahal niya 'ko and he's doing those things for me.

And now . . . gusto ko lang ng kasal. Ang isasagot sa 'kin, break up?

"He lied to me!" I cried as I hugged Clark's waist. "Sabi niya, mahal niya 'ko!"

"Early Bird . . . oo. Oo nga . . ."

"Kuyaaaa!"

"Narinig mo 'yon? Umiiyak nga."

"Break na kami ni Ivo . . . !" Paulit-ulit kong pinalo ang likod ni Clark habang naglalabas ng sama ng loob.

"Plano? Canceled na ba? Sige, sige. Lasing din yata 'to. Ubos yung wine, gago."

"Kuyaaaaa!"

"Sige, sige. Text ka na lang kapag malapit ka na. Byeeee!"

Inalis na rin ni Clark ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya saka siya humugot ng ilang facial tissue sa kabilang side ng sink.

Iyak lang ako nang iyak nang lumuhod siya sa harapan ko at siya na ang nagpunas ng mukha ko.

"Bili ka pa nga nitong eyeliner mo. Hindi makalat, ha."

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon