Chapter 14: Disappointment

2.3K 151 67
                                    


"Issue mo na naman sa Earth, Sabrina?"

I was glaring at Clark. Ang sabi ko kasi sa kanya, sunduin niya ako sa gym. He did without asking why. Dinala ko siya sa locker area, and it was a good thing na halos nag-uwian na lahat ng clients dito at waiting na lang kami kay Will na kausap ang ilang staff niya sa back office.

"Kanina ka pa pino-forward sa 'kin ni Nery, tawag ka raw nang tawag. Ano ba? Na-miss mo agad ako?"

"Ang kapal mo," sabi ko.

"E, ano nga?"

Clark wore a cream and navy blue smart suit. He looked like he came from a corporate meeting. Sa barkada ni Kuya, si Clark lang ang walang stable job. And stable means one work at a time.

He's jumping from one business to another. Kukuha siya ng branch, kukuha ng manager for that branch, then he would just check the business every now and then. Nakikipag-partner siya sa mga magha-handle ng business at doon lang siya naka-stay bilang capitalist. Puro lang siya pirma at sobrang rare niyang maging busy nang buong araw sa iisang work lang.

Kung maging busy man siya, malamang dahil umiikot siya sa lahat ng mga "kumare" niya para lang sumagap at magdala ng tsismis.

"Kuya admitted na ikaw ang nagpapalit ng placing ng closets niya," sabi ko, nagkrus pa ng mga braso.

"Yeah. And so?"

"Sinabi mo ba kay Kuya na kasama mo 'kong nanonood ng porn before?"

"Ay, wow." Naituro niya ang mukha ko. "Kailan kita sinamahang manood ng porn, aber?"

"I already told you when!"

"Kailan nga? Ikaw ang sumagot," sabi niya at ipinasok ang magkabila niyang kamay sa loob ng suit niya para lang mamaywang sa harapan ko.

"When I was a kid, ano ba!" pigil na pigil na sigaw ko.

"Ah, when you were a kid. Alam ko bang nanonood ka n'on?"

"No," mataray kong sagot habang tinataasan siya ng kilay. "But you were there, and I was there, so we've watched it together."

"No, we didn't," mataray din siyang sagot habang nagba-bobble ang head sa akin, ginagaya ako. "Let me remind you: you sneaked into Rico's room, at walang permiso 'yon mula sa kahit sino sa bahay n'yo. Ikaw lang ang nanood, hindi ako."

"But you played it."

"Nakita mo?"

I paused for a second because I didn't remember him watching it like how I watched it kasi busy siya sa papers niya, but I reasoned out again.

"You still played it."

"Pero nanood ako?"

"But you still played it!"

"Nanood nga ako?"

"You fucking played it, of course it counts!"

"Ah, ha-ha! Wow." Now, he was mocking me with his sarcastic laugh. "You know what, Sabrina, hindi ko alam ang point ng topic natin. Ayokong makipag-argue sa ganito ka-petty na reason."

"Pero sinabi mo nga kay Kuya?" pagpilit ko ng dahilan ng anxiety ko mula pa kaninang umaga.

"Gusto mong sabihin ko ngayon?"

Kusa nang lumipad ang palad ko para paluin siya sa braso. "Clark! Hindi ka na nakakatuwa!"

"Bakit ba! Ano'ng gusto mong sabihin ko?"

"Sinabi mo nga kay Kuya?"

"Sasabihin ko nga ang alin?"

"Yung ginawa ko!"

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon