Chapter 31: Chosen

2.1K 146 42
                                    


Clark must work. Of course, hindi siya puwedeng tumambay whole day sa bahay, e super busy niyang tao. Para ngang hindi naman talaga umuuwi 'yon. May time pa ba siya umuwi before I stayed here in his house?

Naiwan ako sa bahay niya, and I was supposed to finish my for-sale dresses pero inuna ko pang dumayo kina Leo para makipagtsismisan.

I only have a few clothes—and few means tatatlo lang. So I had to borrow Clark's huge black dress shirt and made an improvised belt using scraps from my project saka ako lumabas ng bahay. Underwear at shirt lang niya ang suot ko, but at least, this time, may bra na akong suot. And belt. A little improvement is better than nothing at all.

As usual, Leo, the always annoyed one, minata agad ako pag-doorbell ko sa gate nilang ilang bahay lang naman ang layo sa amin.

"Wala nang pagkain dito," sabi pa niya saka bumaba ang titig ko sa yellow apron niyang may sunflower pa sa chest part.

Pagbalik ko ng tingin sa mukha niya, ako naman ang nagtaas ng kilay. "Hindi ako kakain."

"Dapat lang," mapagmataas niyang sagot saka namaywang. "Kuya mo nga ang nagpapakain sa amin dati tapos ikaw, nakikikain sa amin? Doon ka manghingi ng pagkain sa inyo."

"Hindi nga ako makikikain!" tili ko.

"E, bakit ka nga nandito?" tanong pa niya saka tinaasan ako ng mukha. "May trabaho si Clark kaya magtrabaho ka rin. Hindi ka prinsesa."

"I know, and I'm on a short rest. But I'll go back to work maya-maya, duh." Then I rolled my eyes.

"Ang tanong ko, bakit ka nandito?" ulit niya, halatang naiirita na.

At ayaw niya talaga akong papasukin. My God! Bakit ba ang evil niya?!

I crossed my arms and raised a brow. "Binilhan daw ako ni Clark ng engagement ring, the same time na binilhan mo si Ky ng singsing. Is that true?"

"Tinapon mo nga, di ba?"

"Tinapon?!" Kusang naghiwalay ang mga braso ko dahil doon. I rolled my fists on my side and yelled. "Wala nga siyang ibinigay!"

"Pumunta siya sa inyo a week before ng graduation mo," paliwanag niya. "He gave that to you tapos tinapon mo lang."

"I didn't dispose of any fucking ring!"

"Nakakahiya ka talaga. Ang aga-aga, eskandalosa ka!" Hinatak niya ako papasok sa gate nila saka niya pabagsak na isinara 'yon.

Akala ko, papayag na siyang sa loob kami ng bahay, pero itinago lang talaga ako sa likod ng gate!

Napaka-unhospitable naman nito samantalang under ng hospitality management ang asawa niya! Grr!

"Walang siyang ibinibigay!" mahinang tili ko sa kanya. "And Mum has the ring kasi kay Mum daw niya inabot!"

"E di sana, kay—" Pasigaw pa lang siya pero bigla siyang napatingin sa malayong gilid. Parang may na-realize siya saka napakamot ng batok habang nakapikit at nagpipigil lang ng pagkainis. "Alam n'yo kung ano ang setup ninyong dalawa ngayon ni Clark?" rhetorical question niya. "Tita Tess is pairing the two of you out of mere coincidences para lang mangyari ang gusto niya. Wala namang meaning yung singsing maliban sa regalo lang kasi buy one, take one 'yon noong binili namin." Napakamot na naman siya ng batok saka nagbuntonghininga. "Hay, naku. Ang sasakit n'yo sa ulo."

Based on his sigh, alam ko nang wala siyang ibang magagawa kundi makipagsigawan lang sa 'kin. So, Clark did buy me that ring . . . as a gift. Leo's story matched what he said. All right, he wasn't lying. Good news.

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon