Chapter 40: Biased

870 48 12
                                    


Normal na sa bahay na laging nagtatalo si Mum at si Kuya, but it was a different matter this time. Umuwi kasi si Kuya sa bahay, and I could feel how strong they were kasi parang naging predator's place ang mansiyon pagdating doon ni Kuya.

Nasa office si Mum kasama si Jaesie, and they both didn't like what was going on. Mum asked Mat to go home muna kasi family matters na ang pag-uusapan.

"Kuya, ano'ng sasabihin mo kay Mum?" tanong ko habang nakasunod sa kanya paakyat sa second floor.

"She's not supposed to do this to me or to anyone, Sabrina," Kuya said, and I sensed his annoyance toward it. He wasn't mad, but I felt the chill kasi halatang sasalubungin niya ang galit ni Mum ngayon.

We entered Mum's office, and Jaesie stood up from the visitor's chair. She was glaring at Kuya as she crossed her arms. Parehas pa sila ni Mum.

"At last, umuwi ka rin nang maaga," sermon ni Mum kay Kuya. Na-stay ako sa gilid ng pinto kasi ayokong lumapit doon, baka biglang mambato si Mum ng kung anong madampot niya.

"I don't see any reason why we have to do this, Mum," Kuya said in his strict voice.

"You don't see any reasons?" Mum sarcastically asked. "Ipaliwanag mo ang tungkol doon sa bank account na nakapangalan sa 'yo at kay Clark na hindi naka-declare sa kahit anong records mo."

"Hindi ko need i-declare 'yon sa record ko kasi hindi ko lang pera 'yon, Mum! Why do I have to own that money na hindi lang naman ako ang owner? Pero din 'yon ni Clark! Pera din 'yon ng barkada! Savings namin 'yon!"

"Hundred million ang laman ng bank account, and that was created fifteen years ago. Saan kayo kumuha ng pera during college days na ganoon kalaki?"

"We were playing, Mum. Those came from teenage games! Come on!"

From crossing her arms, Mum put her hands on her waist and nodded at Kuya. "Playing, young man? Saan kayo naglalaro at bakit may ganoon kalaking pera kayong itinatago, hmm?"

"It's been fifteen years. Nagkaroon na lang ng interes 'yan."

"Pero hindi lalaki nang ganyan ang interes sa bangko kung umpisa pa lang, wala kayong inilagay diyang pera na ganyan kalaki! Saan kayo kumuha ng pera at may ganyang laman ang savings n'yo?"

"I didn't steal that," proud na sagot ni Kuya sa mababa niyang tono. "I earned that money, we earned that money na nandiyan sa savings account, and that was our college money, Mum. I'm already 33, for freaking sake! Never nagalaw 'yang pera na 'yan kasi pera 'yan ng barkada for emergency purposes!"

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, Ronerico!"

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naririnig kong nagsisigawan sina Mum at Kuya. Sanay akong galit sila sa isa't isa, pero hindi gaya nito. Parang gusto ko nang umawat doon para lang huminto sila.

Dinuro ni Mum si Kuya habang ang talim ng tingin niya sa kapatid ko. "Kailangan ko ng records ng account na 'yon."

"Wala akong ibibigay na record sa 'yo, Mum. I'm not obligated to give you anything. Kung pera ko lang 'yan, fine. Ibibigay ko. But those money are not my money alone. Pera 'yan ni Clark, pera 'yan ni Leopold, pera 'yan ni Will, pera din 'yan ni Calvin. You will need to file a court order para bigyan ka ng copy ng bank ng record niyang account."

"At talagang hinahamon mo 'kong bata ka, ha?" naiinis nang sagot ni Mum kay Kuya.

"Stop doing this to us, Mum. Sumosobra ka na, e. Pati pera ng barkada ko, pinakikialaman mo na!" galit na sigaw ni Kuya. "If you badly want to see those records, then magkita na lang tayo sa korte! Mag-usap kayo ng abogado ko."

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon