Chapter 49: Come Back

2.5K 167 61
                                    


Clark was enjoying things, but I was not. Yung ang obvious na ginagawa nila kaming mga bata, as if namang first time naming makaka-experience ng kasal.

We're gonna get married soon. And when I say soon, it means next week.

Like . . . wedding anniversary din nina Kuya next week!

Kuya went home again kasama ang asawa niya, and everyone was . . . grabe, stress ko.

Aware ako kung gaano katagal ang process ng pagpapakasal. At hindi kami puwedeng magpakasal ni Clark next week without proper preparation. Kaya nga inis na inis akong nag-rant kay Mat kasi siya ang organizer ng wedding pero kahit siya, hindi sineseryoso ang trabaho.

"Sabrina, baby, don't be confused about what's happening, okay? There's no reason to be mad."

"Paanong hindi ako magagalit, halatang ayaw nilang mangyari 'tong wedding," sagot ko. "Sa wedding anniversary daw nina Kuya kami ikakasal ni Clark. Yung kapatid ko, hindi magse-celebrate ng anniv nila ng asawa niya para lang sa wedding namin. Ano'ng gustong palabasin nina Mum?"

Mat sighed and stared at me with so much empathy. "Sab, hindi pa okay si Clark."

"Alam ko naman, and that's the point, di ba? Sana hindi na lang nila minamadali. Kaya naman naming maghintay ni Clark, e."

"Sab . . ." Hinawakan lang ni Mat ang kamay ko para pigilan ako sa inis ko sa nangyayari. "Hindi pa okay si Clark. Meaning, legally, may grounds 'yon para hindi kayo dapat ikasal. Pero kasi, si Clark ang may gusto nito. Pinagbibigyan lang siya nina Tita kasi kilala mo naman si Clark. If he wants it, he will have it at all cost."

"Kaya nga . . . e di sana, pagsabihan na lang nila. Hindi naman stupid si Clark para hindi maintindihan na hindi pa puwede ngayon kasi nga, hindi pa talaga puwede," pilit kong ipinaliliwanag kay Mat. "See? Next week ang wedding. Yung gown ko, bibilhin na lang daw sa boutique sa kung anong kasya sa size ko. Si Clark, kung ano na lang daw ang suot niya noong wedding ni Leo, 'yon na lang din daw ang susuotin. Mabuti nga, nakapagbihis siya before the accident! Alangan namang isuot niyang puro stitches 'yon!"

Feeling ko naman, may karapatan akong mag-rant. Kasi wedding ko 'yon. But all of them were informing me na sumakay na lang ako for Clark's sake. If this is only a child's play, kahit hindi ako ikasal, wala akong problema. I can stay with Clark as long as I'm allowed to, hindi ako magrereklamo. Hindi na nila kailangang ipamukha sa aming dalawa na naglalaro lang kami ng kasal-kasalan ngayon.

Walang prenup photoshoot. Walang engrandeng preparation. Dumaraan ang araw, nakikita ko ang "effort" ng lahat for this wedding. Ultimo designs nga sa garden, sina Kuya ang naggugupit para lang daw may bonding sila sa mansiyon. Si Clark, nakikigupit din ng kung ano-ano roon. May hearts, may diamonds, may stars pa nga na yellow paper! Wala naman kami sa school para gumawa ng school play! Nakakainis!

Nagpa-practice din naman kami ng processional para nga raw alam namin ang gagawin, pero sa sobrang intimate nitong wedding, yung usual na haba ng procession na inaasahan ko, natatapos namin sa practice nang fifteen minutes lang, at matagal na 'yon.

Yung bisitang sinasabi ni Mum, drawing. May invitation, it was there. Kahit paano, nilagyan ng effort. It was Leo's design and they produced it for us. Ang mga pangalang nandoon, mga pangalan ng anime at novel characters. 

Kilala ko si Mum, and I know na hindi siya papayag na ganito lang ang kasal ng anak niya. Pero 'yon ang nakakainis—siya pa ang pasimuno! Ginastusan pa niya 'to sa lagay na 'to.

Anniversary dapat ng kasal nina Kuya, pero sila ang nagpe-prepare ng catering kasama si Melanie. May cake, two-layer fondant na may cute white flowers and gold beads whatever. Maganda naman, hindi ko kukuwestiyunin ang skills ni Melanie to provide an elegant cake. Pero aware akong ganoong cake ang ide-degrade ng mommy ko once makita niya.

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon