Chapter 20: Homeless

2K 129 38
                                    


Clark tapped my leg that was why I felt sleepy, but since we already left the wedding venue, hindi na ako inaantok.

Mula sa farm, nilakad namin papuntang mansiyon, at halos dalawang block din ang layo n'on, hindi pa kasama ang lawak ng reception area na sumakop ng isa pang buong block.

It was already three in the afternoon, and the sun really wanted to burn us alive. Mula sa malayo, kitang-kita ang heat wave ng kalsada, and some of the grass beside us were already burning at umuusok na.

Pero walang nagpa-panic. Even I didn't panic about that. Siguro kasi noong bata kami, sa probinsiya, lalo sa subdivision na ang dami pang excess lots na puro damuhan, may instances talaga na gumagapang ang grass fire because of the heat.

"'Tang ina, maghubad na kaya ako rito, napakainit!" reklamo ni Clark at hinatak na ang gray necktie niya.

I have his suit, ipinandong niya sa ulo ko kasi wala kaming payong. I was covered by it samantalang exposed na exposed siya sa arawan. I could definitely see that he was sweating kasi dumidikit na sa white long sleeves niya ang balat niya, at halos naging silhouette na iyon.

"You should've worn at least a white tank top or T-shirt before your dress shirt," I said.

"Ang init na nga, pasusuotin mo pa 'ko ng maraming patong?" He wasn't joking when he said he'd gonna take his clothes off. Hinubad niya ang basa sa pawis na long sleeves niya at isinampay iyon sa kanang balikat niya.

"You were just a dream that I once knew!" bigla niyang kanta at pasigaw pa.

That was the wedding procession song of Melanie and Patrick earlier.

"I never thought I would be right for you!" dugtong niya. "'Tang-inang kanta 'yan."

I chuckled a bit because of his bitterness.

"Anong dream-dream ka diyan?" reklamo niya habang pinapagpag sa namamawis niyang likod ang long sleeves niyang gusot at basa na. "Hindi bagay yung kanta kina Patrick haha!"

"Ano bang bagay na kanta for them?" tanong ko habang nakasunod sa kanya. "Parang okay naman sa kanila ang Forevermore, a?"

He turned around to face me and walked backward.

"And if you like midnight driving with the windows down . . ." he started singing as he bobbed his head, hands in his pockets.

His voice was better and deep for a pop song.

"And if you like going places we can't even pronounce. If you like to do whatever you've been dreaming about. Then, baby, you're perfect." He clicked his tongue, winked, and pointed at me with his gun-posed hands. "Baby, I'm perfect for you."

He turned around again and that was the perfect timing for me to smile at him.

"'Yon sana theme song nila tutal ang hilig nilang gumala-gala sa kung saan."

Kapag sinasabi ng iba na ang cute ni Clark, hindi talaga ako tumatanggi. He can be adorable at some times. Hindi na yata mawawala sa kanya 'yon.

He was snapping his fingers and continued singing. Nakuha pa niyang sumayaw kahit nasa gitna kami ng kalsada. Though, wala namang ibang tao sa paligid pero talagang hindi siya nahihiya.

"I will always remember . . ." He started clapping and my brow automatically raised. "The day you kissed my lips, light as a feather . . ."

My overthinking self stopped walking. Nakatitig lang ako kay Clark na kanta pa rin nang kanta.

Wait . . . wala naman sigurong meaning ang kanta niya sa aming dalawa, right? I mean, we were talking about Mel and Pat's wedding song choice, right?

I jogged to follow him. He was still singing and dancing to his song.

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon