Chapter 10: To Get Closer

10 3 0
                                    

Nakatulog ako sa art room ng hindi ko napapansin. Inalis ko ang white towel na nakatakip sa mata ko at tiningnan ang oras. It's 4:32am. Kinukusot ko ang mata habang palabas nang mapansing bukas ang ilaw ng sala at kusina.

I headed towards the kitchen, at tulad ng nakasanayan, andoon si Paolo na nagluluto na naman ng agahan.

"Oh, good Eve! Ang aga mo yata ngayon?" sabi niya habang may subo na bacon. Nakakaasar ang klase ng pagbati niya.

Pagkatapos magmumog, nagtimpla na ako ng mainit na maiinom. Tulad na rin ng nakasanayan, hinintay ko siyang matapos magluto.

It's been weeks, umaga at gabi siyang pumaparito para magluto at sumabay sa pagkain.

"Did you toast some bread?" tanong ko at kumuha ng bacon na nakahain na sa mesa.

"Mayroon. Maya-maya, matotoast na yun, kaya pakibantayan na lang."

I hummed at pinuntahan ang bread toaster na hindi nagtagal ay tumunog na. I helped him prepare the sandwich.

"Eve, may sasabihin ako. Isang importanteng mahalagang bagay..."

"What is it?" I sat down and started eating. Naupo na rin siya at nag-umpisang kumain.

"Pwede ba akong maki-share ng apartment? Medyo kapos ako ngayon sa pera kaya sa mga susunod na mga buwan, hindi ko na kakayaning magbayad ng upa."

I looked at him. He's asking seriously.

"It's up to you." I shortly replied.

"Talaga? Payag ka?? Sure ka??"

I just hum habang tinutuloy ang pagnguya. I bited on the bread at tumingin ulit sa kaniya na nakatitig rin sa akin na para na namang pusa.

"Knock it off. Just clean the other room and make sure that it's neat, ALWAYS..."

"Aye Aye Captain! Kahit hindi mo na sabihin, tsaka ako kayang naglilinis ng apartment mo dahil minsan ka lang sipagin." He replied na ikinaismid ko.

"Kailan ka lilipat?"

"Mamaya na. Nakahanda na ang mga gamit ko tsaka nakausap ko na ang apartment manager noong nakaraan pa. HAHAHA!"

"You'd planned this ahead?"

"Oo. Alam ko namang papayag ka. Bait mo eh..."

Ibinato ko sa kaniya ang tsinelas ko na ikinatawa niya lang. Tsk, I shouldn't have agreed. Pagkatapos mag-ayos, sabay din kaming pumasok dahil gusto niyang makatipid.

"...kasi ang talento, dapat ibinabahagi para maappreciate, hindi ba? Kung itatago mo 'yan, anong halaga?"

I frowned as he continue his preach. Ang sarap ihulog sa bisikleta.

"Tulad ng art pieces mo. You express your feelings, so people must see and understand what's in it. Hayaan mong maging palaisipan sa kanila ang content mo." Aniya.

"How can you say such thing? Ni isa sa mga ginawa ko, wala ka pang nakikita..."

"Yun nga ang sinasabi ko. Wag mong itago sa iisang silid lang iyun. Paano malalaman ng ibang tao ang saloobin mo through your artworks?"

"You're talking like you knew something a lot from it."

"J-just a gut feeling." Misteryoso niyang tugon at sumipol.

I sighed and just continued. Wala akong panama sa kadaldalan niya. Pinagewang-gewang ko na lamang ang bisikleta ko para makaganti.

"UY! Mahuhulog ako! Baka gumulong ako sa ilog!"

I sighed in relief, tanaw ko na ang university mula rito. When we arrived, he instantly hopped down because he was called by his classmates, those who's with him the other week.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon