Chapter 36: Vivid Revelations

11 2 0
                                    

The sun will soon to break. Nakatayo at nakatanaw lamang ako sa araw habang hawak ang stand ng dextrose. My feelings can't be explained, it's all in mixed at ang tangi kong nagawa ay tumulala sa kawalan.

The door opened, at may pumasok na kaagad akong tinabihan sa harap ng bukas na bintana at tumanaw sa labas.

"May nangyare ba? Ano 'yung sasabihin mo?" tanong ni Professor Jed. I look at him and did't expect to see how tired he look, tila wala itong pahinga.

Wala akong sinabi pa at ibinigay sa kaniya ang cellphone ni Paolo. Bakas sa naging reaksyon niya ang pagkagulat na pagkuwa'y kaagad namang napalitan ng seryosong mukha.

"Hindi ko maintindihan... sa huling pagkakataon, nagbago ang isip niya? A-anong ibig sabihin 'nun? Is it that he changed his mind but w-when I didn't answer, h-he came back to that cruel decision again?" frustrated kong tanong. Naikuyom ko ang kamao sa pagpipigil nang iba't ibang damdamin na nararamdaman ko.

"Hindi yata sa ganun... but this unsend message for you will be a proof that he didn't choose to end his life in the end... it's a good notion to be told..." aniya na hindi ko makuhanan ng lohika kung bakit niya nasabi, but what he said might be a good possibility to say which even triggered up my guilt on what happened.

"K-kasalanan ko... kung sana, sinagot ko noon ang mga tawag at m-mensahe niya... hindi sana umabot sa ganito..."

My jaw clenched because here i am again, breaking down for the same reason all over again. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil hindi ko magawang pigilan ang sakit... dahil siguro ay sobrang bigat nito na kahit isang kagaya ko ay kaya nitong pasukuin.

I felt a gentle tap on my head na ikinalingon ko kay Professor Jed. Ganoon pa rin ang reaksiyon niya, napakaseryoso at mahirap basahin kung anong tumatakbo sa isipan niya, o kung anong palagay niya sa mga nalalaman ngayon.

"Hindi 'yun sa ganun..." kagaya ng kanina ay iyun uli ang mga katagang nasabi niya. Marahas siyang huminga at tumitig ulit sa labas na ginawa ko na lang rin.

"Natatandaan mo noong may sinabi akong dapat nating pag-usapan?" out of the blue, he asked.

I nod my head as I remembered it. Sinabi niya iyun nang makailang ulit na hindi ko binigyang pansin noon.

"Sa mga ikinilos mo noon, maging sa tono ng pananalita mo ngayon, hindi mapagkakailang sinisisi mo ang sarili sa nangyare sa kaibigan mo... tandaan mong wala sa inyong may kasalanan. May nangyari lang noon na hindi inaasahan..."

Kumunot ang noo ko dahil doon. Alam niyang di sapat ang sinabi niya upang maintindihan ko iyun. Bumuntong hininga uli ito na tila ba nahihirapan sa sasabihin.

"Knowing that this incident was taking a toll to all of us, especially to you and Darlene... siguro ay ito na ang tamang oras para sabihin ko ang totoo..." wika niya na nagpakabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"A-anong totoo?" I asked impatiently that made him look at me again with uneasy eyes.

"Paolo didn't commit suicide. What actually happened might be a cause of an accident or perhaps an assault which lead to an unexpected turn..."

Gulong-gulo ang isipan ko at wala akong magawa kundi ang tumitig lamang sa kaniya. What he said won't sink in and doesn't make sense at all.

"What d-do you mean by just an accident or an assault?"

"Natatandaan mo noong meeting? You saw three students who approached me that time? That same day I am told by those three that Paolo didn't commit suicide... it's that... something happened before that incident occured." aniya na ikinalamig ng buong katawan ko.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now