Chapter 24: Waning

20 2 0
                                    

Halos ilang oras ko nang iniisip ang nakasulat sa kapirasong papel na inabot ko kay Professor Jed. The content was too overwhelming that my mind can't keep up to comprehend everything it contains. Blangko ang utak at hindi ko alam kung ano ang uunahing intindihin, o siguro ay kung anong dapat unahing tanggapin.

Hindi ko napansin ang sunod-sunod na pagkatok at pagtawag sa pangalan ko mula sa likod ng pinto ng kwarto.

"Tara na, wala ka bang balak pumunta?"  iyun ang kaagad na tanong ni Professor Jed ng buksan ko na ang pinto. Wala akong itinugon at tahimik lamang na isinara ang pinto.

Dapit-hapon na at ang makulimlim na panahon na nagbabadya ng malakas na pag-ulan ay binagayan ang itim na polong suot ko, waring sinasabayan ng panahon ang pagluluksa ko.

"Dumating na ang ilang kaanak ni Paolo kani-kanina lang..." Aniya na bumasag sa katahimikan sa loob ng minamaneho niyang sasakyan. Tulad kanina ay minabuti kong hindi sumagot dahil abala pa rin ang utak ko sa kung ano mang tumatakbo rito. Minabuti kong tumanaw sa labas ng bintana at panoorin ang unti-unting pagpatak ng ulan sa salamin nito.

"... gusto ka ring makausap. Tungkol yata 'yon sa gastos. Siguradong magpapasalamat yun sa pagsagot mo sa mga bayarin. Babayaran---"

"No need. I don't need it..." pagputol ko sa mga susunod niyang sasabihin. Nanahimik siya ng ilang segundo bago ko marinig ang malalim niyang pagbuntong-hininga at minabuting ituon ang atensiyon sa daan. 

Mabilis na lumipas ang ilang minutong pagbiyahe at nakarating na sa destinasyon. Wala ni isa sa mga estudyanteng naroon ang nakikilala ko, kahit na nasa iisang unibersidad lang ang pinapasukan ko kagaya ng kanila, pero iisa lang ang tiyak, lahat ng narito ay kilala si Paolo.

"...hinihintay ka na niya sa loob." Hindi ko narinig ang kabuuan ng sinabi ni Professor Jed dahil naging okupado ang isip ko sa mga napansin ko. Hinayaan ko na siyang magpatiunang pumasok sa loob ng hall.

Everyone's faces were gloomy. The silence speak how lamenting the situation is. The murmurings around the hall seems like an overwhelming sound to my ears... nakakabingi, lalo na at ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol sa kaniya.

Entering the entrance of the hall, the first thing I saw was his white coffin and above it was his smiling face in frame. Maaliwalas at maliwanag, kagaya ng pagkatao niya. Thinking about him made my chest ache once again. As much as possible, I need to clear my thoughts to be able to see his resting face. 

Every step I made was too heavy, as if there are iron bars surrounding on it while I'm walking on the aisle. Mas lalo pa iyung bumigat dahil natuon sa akin ang atensiyon ng ilan sa mga taong naroon.

"Andito na si Eve... Hindi ba't magbestfriend sila?" I heard someone murmured near me.

"Oo, pinagmamayabang pa nga ni Pao. May alam kaya siya kung bakit nagawa 'yun ni Pao?"

"Kawawa naman. Hindi niya napigilan kaibigan niya..."

My feet gave up. I stopped in the middle of the aisle. I realized something and it's a f*cking slap again. After all, my courage isn't enough. Wala akong mukhang kayang maiharap sa kaniya... at sa lahat.

I glanced at the front and saw his relatives that were crying at the left bleachers. The mourning is too much for me. The unexplainable emotions within me, this might be a retribution. Mali sila dahil wala akong alam. He's been beside me, yet I didn't know everything. Wala akong karapatang magluksa, wala akong karapatang humarap sa kaniya.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now