Chapter 20: Home Visit

22 3 0
                                    

Napapatanong na lamang ako sa sarili ko dahil ika-limang beses nang nangungulit si Darlene. When will she stop pestering me?

"Ngiti ka naman sa'kin ulit..." Pilit na naman niya.

"Tigil na Darlene, kulit mo talaga..." Sita ni Paolo. Kaagad na sumimangot si Darlene at sumandal sa upuan niya.

"Kain na kayo. Pasensiya na kung itong natirang pagkain kagabi sa Noche Buena ang naihanda ko. Sana kasi nagsabi kayong bibisita kayo sa'min." Ang sabi niya at inihanda na ang pagkain sa mesa.

"AISH, kasi naman... Teka, gift daw sa'yo ni Gabi!" Sabay bato niya ng bracelet na sinalo naman ni Paolo. I think he liked it because he immediately wore it.

"Galing talaga 'to sa'yo?" He asked bago suminghot-singhot.

"AHHH! BEST FRIENDU KOOO!" he cried out loud and started hugging my neck. He's nuts.

"Tsaka ito naman pala ang galing sa'kin!" sabay abot ulit ni Darlene, and this time it's a necklace with a sun pendant.

"Buti pa kayo may mga regalong binigay, ako kasi walang naihanda eh..." Aniya, feeling sorry about it. 

Nagsimula silang magkwentuhan ng kung ano hanggang matapos ang kainan.

"Pa! Sabing ako na ho ang mag-aasikaso niyan! Baka mabinat pa kayo." Then Paolo rushed towards their farm.

Lumabas na kami ng ancestral house nila. Gawa ito sa mga tabla at nipa, just like the houses from the late Spanish Era. Sa tapat ng malaking bahay ay malawak na damuhan. 

The whole area were guarded by wooden fences and beyond the fences are ricefields where lies the long path at the center na nagkokonekta papunta sa kalsada at iba pang kabahayan.

Sa hindi kalayuan naman ay may malaking puno ng mangga. Mula sa mataas at malaki nitong sanga ay nakakabit ang dalawang lubid na nagtatali sa may kahabaang tabla na nagsisilbing upuan. It's a swing under the shade of a tree.

Sa kalapit naman ng punong iyun ay may isang maliit na kubo na may mga upuan rin sa loob. Magandang lugar para palipasan ng oras, lalo na't rinig doon ang agos ng tubig galing sa kalapit na ilog.

Sa gilid-bahay naman sa kalayuan, andoon ang farm nila Paolo. They have a lot of livestock, natatanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Nasa balkonahe kami ng bahay habang pinapanood ang pagpunta niya patungo roon sa farm.

"Hindi ka ba magtatanong about sa pendant ng necklace ni Pao tsaka ng akin?"

I froze as I heard her and talked about the pendant. Mabanggit niya lang ang ibig sabihin nun, pakiramdam ko ay gusto kong magtago. 

"...because like a crescent, there's a missing part in you. There's something missing in your life and just like a moon waiting to be full, I'll be your selenophile, waiting for your majestic best in the void of darkness." The words echoed in my head again, the phrases in the message last night. Everytime I remember it, it makes my face burn.

"K-knock it off. Sumunod na tayo kay Paolo." I said para hindi na niya matuloy.

She giggled and followed behind as I walk towards the farm. Abala na si Paolo sa pagpapakain sa mga baboy na nasa kulungan, may kalayuan mula sa iba pang alaga nila.

"May mga bisita pala si Paolo. Nakapag-agahan na ba kayo?." Anya ng lalaking may kaedaran na lumapit sa amin. This must be Paolo's dad. He really has a frail body.

"Naku po, nakapag-agahan na po kami kaso naghanda pa rin si Pao ng makakain kanina." Sagot ni Darlene at nagmano bilang pagrespeto.

"Pagpalain ka. Ang ganda mong dalaga. Sabihin mo, nanliligaw ba ang anak ko sa'yo?" Tanong nito at bahagyang natawa.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon