Chapter 16

92 2 0
                                    

"Correction, please! Hindi ako interesado sa'yo. Napaka-unfair lang kasi nun sa akin. Alam mo na halos ang talambuhay ko pero ikaw hindi ka naman nagkukwento," ani Nikki.

"Bakit? Ano ba'ng gusto mong malaman tungkol sa akin?"

" 'Yung tungkol sa mama ni Migui. Bakit hindi kayo, okay?"

Naningkit ang mga mata ni Cedric. "May pagka-marites ka rin, ano?"

Napatulis ang nguso ni Nikki. "Uy, grabe ka sa akin, ha? Okay lang naman kung ayaw mong sagutin," aniya atsaka siya muling tumanaw sa dagat.

"Sabihin na lang natin na mas pinili niyang sumama sa lalaki niya kaysa makasama ang anak niya," ani Cedric.

Napabaling sa kanya si Nikki. "Grabe! Ang sakit naman nun. May mga ina pala talagang kayang gawin 'yon sa anak. Kaya pala ayaw mo siyang pag-usapan sa bahay. Ang sakit siguro sa'yo nun, noh?"

"Huwag na natin siyang pag-usapan. Ayoko na siyang maalala," ani Cedric sabay tungga ng beer.

Sa haba ng kwentuhan nila, hindi na namalayan ni Nikki na nakarami na siya ng inom. Kaya medyo dumadaldal na siya. "Akala ko dati hindi kita makakasundo, mukha ka kasing masungit," diretsahang sabi niya.

Napaawang ang mga labi ni Cedric. "Ako? Masungit?" naniningkit ang mga matang tanong nito habang nakaturo sa sarili.

"Oo kaya. Hindi ka ba aware? Lage kayang magkasalubong 'yang kilay mo noon. Lagi ka pang nakasigaw."

Natawa si Cedric. "Hindi kaya."

"Ano'ng hindi? Malapit na ngang magdugtong ang mga kilay mo sa kasungitan mo, eh," aniya sabay dutdot ng daliri sa pagitan ng mga kilay ni Cedric.

Hinuli ni Cedric ang kamay niya atsaka siya nito tinitigan. "Lasing ka na, noh?" naniningkit ang mga matang tanong nito.

Natatawang itinuro ni Nikki ang sarili. "Ako? Lasing? Hindi kaya."

Umayos ng upo si Cedric paharap sa kanya atsaka nito inilapit ang mukha."Sige nga! I-kiss mo nga ako kung hindi ka pa lasing," anito sabay tulis ng nguso. Nagulat na lang ito nang bigla niya itong halikan. Namilog ang mga mata ni Cedric gayon din ang mga mata niya nabigla kasi siya sa nagawa niya.

Napatakip na lang siya sa bibig pagkatapos. "You tricked me!" aniya sabay hampas sa braso ni Cedric.

Natawa si Cedric. "Hindi ka nga lasing," anito habang tumatayo. Parang walang nangyaring pinagpag nito ang buhangin sa gawing likuran nito. "Akala ko lasing ka na. Bubuhatin sana kita," dugtong nito bago siya tinalikuran.

Napasimangot si Nikki. "Nakakainis!" aniya na noo'y napapadyak pa sa buhangin.

"Gabi na! Akyat na tayo," narinig niyang sabi ni Cedric.

"Grabe siya! Pinagti-tripan na naman niya ako," ani Nikki na noo'y tumayo na rin at pinagpag ang buhangin sa gawing likuran. Aminado ang dalaga na lasing na siya noon pero kaya pa naman niya ang sarili. Muli niyang tinanaw si Cedric nasa kalagitnaan ito ng hagdanan.

"Tara na!" sigaw nito.

Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lang.

Hihiga sana siya sa mahabang upuan pero pinigilan ni Cedric ang isang kamay niya. "Tabi na kayo sa kama ni Migui. Ako na riyan," anito atsaka ito umabot ng unan.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya si Cedric.

"What?" kunot ang noong tanong nito.

Nilapitan niya ito atsaka niya sinalat sa noo. "Hindi ka naman nilalagnat. Bakit bigla kang bumait?" nangingiting tanong niya.

Natatawang hinawi ni Cedric ang kamay niya. "Mahiga ka na bago pa magbago ang isip ko."

Mabilis na pumuwesto si Nikki sa tabi ni Migui. Atsaka ito agad na nagtilakbong ng kumot. Isang gabi palang kasi siyang nahihiga sa matigas na sahig nanakit na ang katawan niya. Kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa mawala ang epekto ng alak kay Cedric. Baka kasi lasing lang ito kaya biglang bumait.

"Good night!" aniya nang ibaba niya ang kumot pero mabilis din siyang nagtilakbong.

Napailing na lang si Cedric sabay napangiti.

Naging mabait at malambing sa kanya si Cedric nang mga sumunod na araw. Kaya mas lalo pang nahulog ang loob niya rito, bagay na pilit niyang pinipigilang mangyari.

Kasalukuyang naglalaro noon sa buhangin ang mag-ama nang lapitan niya ang mga ito. "Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong niya.

Kunot-noong tumingin sa kanya si Cedric. "Why? Naiinip ka na ba?"

Hindi nakakibo ang dalaga. Hindi naman kasi siya naiinip. Ang totoo, gustong gusto niya sa lugar na iyon. Tahimik at presko ang hangin. Pero hindi na kasi siya komportable sa nararamdaman niya. Kapag kasi nagtagal pa silang magkasama, baka hindi na niya mapigilan ang sarili at masabi niya ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi niya alam kung ano'ng totoong status ng relasyon ni Cedric sa ina ni Migui kaya hindi siya dapat magpakasubo sa nararamdaman niya. Hindi siya pwedeng ma-in love sa isang lalaking may pananagutan na.

"Okay ka lang?" ani Cedric sabay salat sa noo niya. Akay-akay nito noon sa isang kamay si Migui. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ang mga ito sa kanya.

Gumuhit ang tipid na ngiti sa mga labi niya. Hinawi niya ang kamay ni Cedric atsaka siya sumagot. "Okay lang ako," aniya.

"I don't think so," ani Cedric na noo'y yumuko at kinarga ang bata. "What is it?" malambing ang tono ng boses na tanong nito nang muling bumaling sa kanya.

"Okay nga lang ako," aniya atsaka niya kinuha ang bata. Tinalikuran niya si Cedric atsaka siya nagpatiunang maglakad pabalik sa bahay.

"Hey! Let's take some picture, first!" habol ng binata.

Biglang napatigil sa paglalakad si Nikki. Bumuga muna siya ng hangin bago siya muling bumaling kay Cedric. Patakbong lumapit sa kanila si Cedric atsaka nito dinukot ang cell phone sa bulsa. Nagulat na lang siya nang ihilig nito ang ulo sa ulo niya. "Smile," anito sabay pindot ng camera. Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang picture. Napaka-perfect tingnan ng picture na 'yon. Para silang isang masayang pamilya. Biglang lumamlam ang mga mata ni Nikki. Alam niya kasing pansamantala lang ang lahat ng iyon. Sooner or later, mawawala rin sa kanya ang mag-ama. Kaya ayaw na sana niyang pahabain pa ang memories nila together. Dahil mas lalo lang magiging masakit para sa kanya ang paghihiwalay nila.

Nakadungaw noon si Nikki sa veranda at nakatanaw sa dagat nang biglang magsalita mula sa likuran si Cedric. "Ano ba ang problema? Bakit parang ang tamlay-tamlay mo?" tanong nito habang papalapit sa kanya.

Saglit niya itong nilingon pero hindi niya ito sinagot.

"Iniisip mo siguro siya, noh?"

"Sino'ng siya?" kunot-noong tanong niya.

"Si Kyle."

Bahagyang napangiti ang dalaga. "Bakit ko naman siya iisipin?"

"I don't know," kibit-balikat na sabi nito. "Naiisip ko lang na baka na-miss mo siya."

"Mali ka. Hindi siya ang iniisip ko."

"Then sino? Ako?" nangingiting tanong ni Cedric.

Alanganing tumango ang dalaga. "Kayo ni Migui," diretsahang sagot niya

Namilog ang mga mata ng binata na noo'y napatitig sa kanya. Ito na nga ba ang pinakahihintay niyang pagkakataon? Aaminin na nga kaya si Nikki ang nararamdaman para sa kanya?

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now