Chapter 24

242 3 1
                                    

"Manang, pakidala na lang po sa kwarto ang mga gamit ko," ani Nikki nang makauwi sila sa bahay. Tahimik lang na nakasunod noon sa kanya si Cedric habang binabaybay nila ang hagdan. Papasok na rin sana si Cedric sa kwarto nang bigla siyang humarang sa pinto. "Manang, pakituro po kay Cedric kung saan ang guestroom," aniya habang nakatitig kay Cedric.

Napakunot ang noo nito."Babe, naman. Are you serious?"

"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?" aniya atsaka niya ito nilakihan ng mga mata.

Napakagat sa labi si Cedric na tila nanggigigil kaya napangiti ang kasambahay na noo'y nakatingin lang sa kanila. "Sir, sunod na lang po kayo sa akin," anito na noo'y mabilis na ibinaba sa loob ang gamit ni Nikki.

Habang sumusunod siya sa kasambahay nasalubong niya ang lolo Nikki.

"Ano'ng balita? Ayos na ba kayong mag-asawa?" tanong nito.

Malungkot na umiling si Cedric kaya napailing na rin ang matanda. "Halika, magkape muna tayo sa garden at pag-usapan natin 'yan," anito sabay akbay sa kanya.

"Ikaw na sana ang bahalang magpasensiya sa apo ko. Alam mo namang may katigasan ng ulo ang isang 'yan," anang matanda habang naglalakad sila.

"Ayos lang po 'yon, Lolo. Naiintindihan ko naman po ang galit niya. Mukha sumobra nga po tayo ro'n."

Napangiti ang matanda sabay tapik sa balikat niya. "Hayaan mo, Apo. Aayusin ko ang gulong ginawa ko," anito.

Nangingiting dinama ni Cedric ang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. "Salamat po, Lolo."

Matapos nilang mag-usap ng lolo ni Nikki sinubukan niyang katokin si Nikki.

"Babe, nagugutom na ko. Hindi mo man lang ba ako pakakainin?" parang batang ungot niya.

"Pumunta ka sa kusina. Maraming pagkain dun," sagot ni Nikki mula sa loob ng kwarto.

"Pero Babe, hindi ako sanay dito. Nahihiya ako."

" 'Di umuwi ka sa inyo!" sigaw nito.

Napatiimbagang si Cedric. Medyo gutom siya noon kaya numinipis na rin ang pasensiya niya. Madilim ang mukhang bumaba siya ng hagdan.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ng lolo ni Nikki nang madaanan niya sa sala.

"Magpapalamig muna ho ako sa amin, Lolo. Mukhang mainit pa po ang ulo ng apo niyo."

"Mabuti pa nga siguro. Hayaan mo't kakausapin ko," anito.

Walang kamalay-malay noon si Nikki na umalis na si Cedric.

Nabulaga na lang siya ng buksan niya ang pinto. Sisilipin niya lang sana noon si Cedric pero seryosong mukha ng lolo niya ang sumalubong sa kanya. "Nikki, ano ba 'yang pinaggagagawa mo? Bakit mo tinitikis nang ganyan ang asawa mo?" agad bungad nito.

Nagmamaktol na naglakad si Nikki papasok sa loob atsaka siya naupo sa kama. "Ano na naman po ba ang sinumbong niya sa inyo?"

"Hindi porke't mabait sa'yo ang tao aabusuhin mo na," anang matanda na noo'y sumunod pa sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Lo, siya po ang may kasalanan sa akin. Bakit parang ako pa ang masama?"

"Maaring mali siya na hindi niya agad sinabi sa'yo ang totoo. Pero may basbas namin ang lahat nang iyon."

"What?! Pumayag kayong lahat na paikutin niya ako nang ganun?"

Napailing ang lolo niya. "Hindi ka niya pinaikot. Lalong hindi ka niya pinaglaruan. Sinamantala niya lang ang pagkakataon para mapamahal ka sa kanya. Remember, ikaw ang kusang dinala ng mga paa mo sa kanya."

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now