Chapter 9

3.6K 112 0
                                    

"Kyle-kyle? Ikaw na ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ng mama ni Nikki nang makita si Cedric.

Nangingilid ang luhang dinama nito ang pisngi niya. "Ang laki nang ipinagbago mo. Ang gwapo-gwapo na."

Natawa ang matanda. "Bakit? Gwapo rin naman si Kyle noon, ah? Payatot nga lang," biro nito.

Bigla silang nagtawanan.

"Siguradong magugulat si Nikki kapag nalaman niyang ikaw 'yan," sabi ng mama ni Nikki.

Agad siya nitong hinila paupo sa sofa at doon nila pinag-usapan ang tungkol kay Nikki. Hindi naman naging mahirap para sa kanya ang mapa-oo ang mga ito sa mga binabalak niyang gawin dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya.

"Good morning, Ma'am Nikki. Naka-ready na po ang almusal niyo ni Migui," bungad ni Milly nang pagbuksan niya ng pinto.

Napakunot ang noo ni Nikki. "Ma'am?"

Ngumiti si Milly. "Alam na po namin ang totoo, Ma'am. Umamin na po si Sir Cedric sa amin kanina."

Alanganing napangiti ang dalaga. "U-Umaming ano?"

"Na kayo po ang fiancée niya."

"Ha?" tanging nasambit niya.

Natawa si Milly. "Okay lang po 'yon, Ma'am. Huwag na po kayong mahiya sa amin."

Hindi alam ni Nikki kung kokontrahin niya o aayunan ang sinabi ni Milly pero mas pinili niyang manahimik na lang.

"Ibinilin ni Cedric kay Dado na ihatid kayo sa office niya pagkatapos niyong kumain," ani Manang habang dinudulutan siya ng pagkain. Ramdam niya noon ang special treatment na ibinibigay ng mga ito sa kanya kaya medyo naasiwasa siya.

"Ako na po riyan, Manang," aniya nang makitang maglalagay ng tubig sa baso niya si Manang.

Ngumiti lang ito sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa. "Huwag mo kaming alalahanin, parte ng trabaho namin ito."

Walang nagawa si Nikki kundi sakyan na lang ang mga tao roon at ang nais mangyari ni Cedric. Komportable na siya sa lugar na 'yon, gayundin sa mga tao roon kaya wala na siyang balak na lumipat pa ng ibang lugar para lang magtago.

Pagpasok palang sa gate, sinalubong na siya ng magigiliw na pagbati ng mga gwardiya. Kasunod niya noon si Dado na noo'y bitbit ang gamit ng bata habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Cedric.

"Hi! Babe," salubong ni Cedric sa kanya. Nagulat pa siya nang isaklit nito ang kamay sa baywang niya atsaka siya nito dinampian ng halik sa labi.

Nasa likod niya noon si Dado kaya hindi siya agad nakapag-react.

"Sir, saan ko po ilalagay 'to?" tanong ni Mang Dado habang hawak ang bag.

Nakangiting inabot iyon ni Cedric atsaka nito isinukbit sa balikat.

"Para saan 'yon?" kunot ang noong bulong niya nang makaalis si Mang Dado.

Nangingiting isinaklit ni Cedric ang mga kamay sa baywang niya atsaka siya nito niyakap. Naipit sa gitna nila noon ang bata.

"Ano'ng ginagawa mo?" mariing tanong niya.

"Look at your back," bulong nito bago ito bumitiw sa kanya. Kinuha nito ang bata atsaka ito ngumuso sa likuran. Pasimpleng lumingon ang dalaga at doon niya lang napansin ang mga empleyado na nakatanaw sa kanila mula sa labas.

"Hindi mo ba ibaba ang blinds?" pilit ang ngiting tanong niya.

"Sanay ang mga tao ko na nakataas 'yan. Kapag ibinaba ko 'yan, iisipin nila na may gagawin tayong kakaiba," nangingiting sabi ni Cedric.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now