Chapter 17

94 2 0
                                    

 "Nasanay na ako na kasama ko kayong dalawa. Kaya hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko kapag hindi ko na kayo kasama. Para ko na kasi kayong pamilya," nangingilid ang luhang sabi ni Nikki.

Napangiti si Cedric sabay napailing. "Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo o dapat akong masaktan?"

"Ikaw? Nasa sa'yo na kung paano mo tatanggapin ang sinabi ko," aniya.

Naningkit ang mga mata ni Cedric. Humakbang ito ng isang hakbang papalapit sa kanya atsaka siya nito tinitigan. Unti-unti nitong ikinawit ang isang kamay sa baywang niya atsaka siya nito hinapit papalapit. Dahan-dahang inilalapit ni Cedric ang mukha sa kanya nang bigla niya itong itinulak papalayo.

"I'm sorry. Wala akong balak maging mistress mo."

Biglang natawa si Cedric. "Mistress? Sino namang may sabi na gagawin kitang, Mistress?"

Napatingin sa malayo ang dalaga. "Cedric, please. Stop teasing me!"

Lumuwang ang pagkakangiti sa mga labi ni Cedric. Ibinaling nito ang mukha niya at nagtama ang kanilang paningin. Muling ikinawit ni Cedric ang isang kamay sa baywang niya atsaka siya nito muling hinapit papalapit. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan pa ang sarili. Pinaubaya na niya ang mga labi niya sa binata."Trust me. I won't hurt you," anito nang bumitiw sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Cedric doon. Basta ang alam niya lang sa mga sandaling iyon, hindi na niya kayang ikubli pa ang feelings niya para rito.

"Okay ka lang?" tanong ni Cedric nang hindi siya kumibo. Nanatili lang siya noong nakatitig sa binata.

Alanganin ang ngiting gumuhit sa mga labi niya atsaka siya tumango. Natatawang kinabig siya ni Cedric atsaka siya niyakap.

Palaisipan kay Nikki kung ano ang ibig sabihin nang ikinilos na iyon ni Cedric. Pero hindi naman niya ito magawang tanungin sa takot na baka iba ang isagot nito sa kanya. Kaya hahayaan niya na lang ang sarili na magpatangay sa agos. Hanggang sa kung saan siya dalhin ng feelings niya para kay Cedric.

Bumitaw si Cedric sa pakakayakap sa kanya atsaka siya nito tinitigan. " I can't believe this. Nandito ka na ngayon sa harapan ko," anito. Nagdilim ang mukha ni Nikki sa narinig. Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa mukha ni Cedric.

Napangiwi si Cedric sa sakit. "Para saan 'yon?" kunot noong tanong nito habang hinihimas ang pisngi.

"Hindi ako ang mama ni Migui. Huwag mo akong gamitin para buuin ang ilusyon mo na ayos na kayo. How dare you do this things to me? I hate you!" aniya sabay takbo sa loob ng silid.

Natatawang hinimas ni Cedric ang namamanhid na pisngi. Mukhang na-misinterpret ni Nikki ang sinabi niya. Dahil hindi ito aware na matagal na niya itong pinapangarap na muling makita, inakala nito na ang mama ni Migui ang tinutukoy niya. "Dapat ko na bang sabihin sa kanya?" bulong niya habang nakatanaw sa nakasarang pinto.

Umiiyak at nakasubsob sa kama si Nikki nang pasukin niya ito sa kwarto. Naupo siya sa tabi nito atsaka niya ito inalo. "Babe, mag-usap naman tayo," aniya habang hinihimas niya ito sa braso.

"Get out! Ayaw kitang makita," anito.

Nahiga siya tabi ni Nikki atsaka niya ito niyakap. "It's not what you think, okay? Hindi ang mama ni Migui ang tinutukoy ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na mahuhulog din ang loob mo sa akin."

Unti-unting bumaling ang dalaga sa kanya hanggang sa magtama ang kanilang paningin. "Dapat ba akong maniwala sa'yo?" tanong nito. Bahagyang napangiti si Cedric. "Wala ka namang ibang choice, eh." Nangingiting tinuyo niya ang luha sa pisngi ng dalaga atsaka niya hinawi ang nagulo nitong buhok. "Ang sakit nun, ah?" aniya patungkol sa kaninang sampal na inabot niya.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now