Chapter 23

99 1 0
                                    

Habang papalapit nang papalapit. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Nikki.

"My God! Nagha-hallucinate lang ba ako? Bakit si Cedric ang nakikita ko?"

Sinubukan niyang tuyuin ang luha sa mga mata niya atsaka siya kumurap-kurap. Pero walang nagbago sa nakikita niya. Mas luminaw lang ang imahe ni Cedric na noo'y nakangiti pa sa kanya.

"Cedric?" hindi makapaniwalang tanong niya nang abutin nito ang kamay niya.

"Surprise!" anito sabay halik sa pisngi niya.

Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. "Surprise? Do you think it's funny?" hindi ngumingiting bulong niya. Hindi alam ni Nikki kung ano'ng mararamdaman niya noon. Naghahalo kasi ang saya at ang galit niya. Masaya siya na buhay si Cedric. Pero galit siya. Galit na galit! Dahil nakipagsabwatan pa ito sa lolo niya para lang sa sikretong kasal na hindi naman siya masaya dahil nabalot ng takot ang dibdib niya.

"Babe, please, not here! Mamaya mo na lang ako awayin kapag tapos na ang ceremony," bulong ni Cedric.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Yumakap siya sa mama ni Cedric atsaka siya humalik sa pisngi.

Hindi niya magawang ngumiti ng totoo noon. Hindi kasi biro ang naranasan niyang anxiety. Halos mawala na siya sa katinuan sa kaiisip sa kaligtasan ni Cedric. Tapos malalaman niya lang na isa lang pala iyong palabas. Pinaglaruan ng binata ang feelings niya, bagay na hindi katanggap-tanggap para sa kanya.

Natapos ang ceremony na hindi man lang niya nginingitian si Cedric. Maging sa paghalik ay iniwas niya ang labi niya. Dumiretso sila sa reception pagkatapos noon pero wala na siyang naiintindihan sa mga nangyayari. Hindi niya kasi magawang pekein ang nararamdaman niyang sama ng loob. Nagugulat na lang siya kapag may bigla na lang humahalik sa pisngi niya bilang pagbati.

"Are you okay?" nakangiting tanong ng mama niya. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan sa malayo.

Tipid ang ngiting pinakawalan niya sa mga labi atsaka siya bahagyang tumango.

"Pagod ka na siguro. Mabuti pa dumiretso na kayo ni Cedric sa hotel. Kami na lang ang bahalang mag-explain kung may darating pang bisita."

"Thank you, Ma," mahinang sabi niya sabay dampi ng pisngi sa pisngi ng ina.

Katatapos lang niyang magbihis nang yumakap mula sa likuran niya si Cedric.

"Kausapin mo naman ako," naglalambing na sabi nito. Agad siyang kumalas sa pagkakahawak nito atsaka niya ito hinarap. "Ano'ng gusto mong sabihin ko after nang ginawa mo?" mariing tanong niya.

Napayuko si Cedric. Hindi kasi nito magawang salubungin ang nakasusugat niyang tingin.

"Akala mo ba nakakatuwa 'yung ginawa mo? All this time, pinapaikot mo lang pala ako!"

"Babe," ani Cedric na noo'y nagtangkang abutin ang kamay niya pera agad niya iyong hinawi.

"You have no idea how worried I am, nung sabihin ni Lolo na hawak ka ng mga armadong tao at any time pwede ka nilang patayin. Halos mabaliw ako sa kakaisip na baka kung napano ka na. Ni hindi ako nag-worry na makakasal ako sa iba kapalit nang pag-rescue sa'yo," nanginginig na ang boses na sabi niya. "Tapos bigla kong malalaman na isa lang palang malaking palabas ang lahat. Inaasahan mo ba na magtatatalon ako sa tuwa kapag nakita kong ikaw ang nakatayo roon at hindi si Kyle?"

"Ako si Kyle. 'Yung Kyle na kababata mo," nakayukong sabi ni Cedric.

Napaawang ang mga labi ni Nikki. Unti-unting gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya. "Wow! Wala akong masabi. Ang galing-galing mong manloko! Kaya naman pala interesado kang malaman ang feelings ko kay Kyle."Napailing na lang siya. "You manipulated everything! Sinadya mong kunin ang loob ko para ipamukha sa akin na ikaw 'yung lalaking tinanggihan ko, Tama?"

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now