Chapter 21

99 1 0
                                    

Nakahiga na si Nikki nang maramdaman niya ang pagpasok sa kwarto ni Cedric. Ramdam niya ang pagkilos nito sa loob ng silid, mula sa pagbibihis nito hanggang sa mahiga ito sa sofa. Hinihintay niyang lumapit ito at humalik sa noo niya gaya nang lagi nitong ginagawa pero hindi ito ginawa ng binata. Ni hindi man lang siya nito ginising para magpaliwanag kung bakit hindi nito nasasagot ang mga tawag niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip na baka parte lang talaga ng pagpapanggap nila ang pagiging sweet nito sa kanya, maging ang pagsasabi nito ng I love you. Pero alam niya sa sarili niya at ramdam niya naman na mahal siya nito.

Dahil sa isiping iyon, hindi agad nakatulog si Nikki dahilan para mahuli na naman siya ng gising. Agad niyang sinipat ang maliit na orasan na nakapatong sa mesa at mabilis siyang bumaba ng kama. Tinanaw niya mula sa bintana ang kotse ni Cedric, kasalukuyan palang itong pinupunasan ni Mang Dado. Halos takbuhin na niya pababa para lang maabutan niya si Cedric.

"Babe!" sigaw niya nang matanaw niya itong palabas na ng pinto.

Tumigil ito at tumanaw sa kanya. "Kumain ka na, nakahain na ang pagkain," anito.

"Hindi mo ba ako isasama?" aniya habang pababa ng hagdan.

"Next time na lang. May project ako sa labas ngayon, eh."

Malungkot na napatango ang dalaga.

"I'll go ahead," anito bago ito tuluyang lumabas.

Napaawang ang ang mga labi ng dalaga. Sobrang bigat sa pakiramdam niya ang ginagawang iyon ni Cedric. Simula kasi nang mawala si Migui, naging malamig na ito sa kanya. Bukod sa hindi na siya nito sinasama sa opisina, hindi na rin siya nito nasasabayan sa pagkain. Madalas din ay gabi na ito kung umuwi.

Biglang napaigtad si Nikki nang maramdaman niya ang malambot na salat ng unan. Ang natatandaan niya kasi ay napadukdok na siya sa bilog na mesa sa may garden sa sobrang kalasingan. Napaupo na lang siya at napahagod nang mariin sa buhok habang nag-iisip.

"Good morning," nakangiting bungad ni Cedric sa may pintuan.

Hindi nakaimik ang dalaga na noo'y nakatitig lang sa maaliwalas na mukha ng binata.

"Why?" nakangiting tanong ni Cedric habang papalapit sa kanya.

"P-Paano ako nakarating sa kama?" alanganing tanong niya.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Wala ka bang natatandaan?" anito sabay pisil sa pisngi niya.

Napatitig siya sa binata hanggang sa mag-flashback sa kanya ang mga nangyari.

"I hate you, Cedric! Sinungaling ka!Akala ko pa naman totoong mahal mo ako, pero ginamit mo lang pala ako. Ngayong wala na si Migui , wala ka na ring pakialam sa akin! Ni hindi mo na nga ako pinapansin. Para akong hangin na dinadaan-daanan mo na lang," ani Nikki sabay tungga ng beer. Kasalukuyan siya noong nasa garden at naghihintay sa pagdating ni Cedric. Pero sa tagal ni Cedric, nakamarami na siya ng inom. Wala siyang kamalay-malay noon na kanina pa siya pinagmamasdan ng binata.

Bahagyang napangiti si Cedric at humakbang papalapit sa kanya. "Okay ka lang ba?" tanong nito.

Halos nakapikit na siya nang lingunin niya si Cedric. "Mukha ba akong okay, ha?" singhal niya sa binata.

Natatawang kinuha ni Cedric ang hawak niyang bote atsaka ito naupo paharap sa kanya. "Bakit? Ano ba'ng problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Napakamanhid mo. I hate you!" aniya atsaka niya ito pinaghahampas sa balikat.

Natawa si Cedric. "Ako? Manhid? Bakit ano ba ang ginawa ko?"

"Tinatanong mo pa talaga? Iisa talaga ang style niyong mga lalaki, noh?. Puro kayo pa-fall! Tapos kapag hulog na hulog na ang babae bigla na lang kayong iiwas at hindi magpaparamdam," aniya sabay agaw ng bote kay Cedric.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon