Chapter 11

4.5K 134 8
                                    

Ilang araw nang naghihintay si Nikki sa tawag ng tita niya pero hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya. Gustuhin man niyang tawagan ito para makibalita ay hindi niya magawa. Naroon kasi ang takot niya na baka ma-trace ang location niya. Hindi rin kasi siya sigurado na mapaninindigan ng tita niya ang pangako sa kanya na hindi nito sasabihin sa iba na nakita siya.

"Babe, lalabas ako. May gusto ka bang ipabili?" ani Cedric habang nagsusuot ng t-shirt.

Napasulyap siya sa binata na noo'y kasalukuyang nag-aayos ng sarili. Nasanay na siya sa ganoong sa set-up nila na para silang tunay na mag-asawa na nasa iisang silid. Pero hindi naman tumatabi sa kanila si Cedric. Nasanay na rin kasi itong matulog sa sofa.

"Bakit todo ang papogi mo? May date ka ba?"

Napalingon sa kanya si Cedric. "Gwapo ba?" nakangiting tanong nito sabay angat ng magkabilng balikat habang inaayos ang damit.

Hindi sumagot si Nikki na noo'y nakatingin lang sa kanya.

Palabas na si Cedric nang bigla itong yumuko at humalik sa pisngi niya. "Bye!" anito atsaka ito lumabas. Hindi na rin siya nagre-react sa mga ganung gawi ni Cedric dahil parte raw iyon nang kasunduan nila. Kailangan niya raw kasing masanay sa ganun para maging natural ang kilos nila. Ang hindi alam ni Cedric noon, unti-unti na siyang nahuhulog sa patibong nito.

"Pards, negative. Saan bang planeta mo napulot ang isang 'yon? Hindi nag-e-exist ang pangalan niya sa database. Wala siyang record sa munisipyo ng Quezon City. Inisa-isa ko na rin ang mga barangay pero walang ganung pangalan na nakatala,"ani Louie. Nagkita sila noon sa isang coffee shop matapos niya itong tawagan.

"Huwag mo nang intindihin ang tungkol dun, Pards. Okay na 'yon," ani Cedric.

Napakunot ang noo ni Louie. "Ano'ng okay? Pinaalis mo na ba siya?"

"Hindi, Pards. Basta okay na 'yon."

Napailing si Louie. "Ang labo mo, ah!"

"Pards, hindi ba may vacation house kayo sa Bataan?" tanong ni Cedric.

"Oo. Bakit mo naitanong?"

"Pwede ko bang mahiram nang isang linggo?"

Napakunot ang noo ni Louie. "Isang linggo? Bakit? Magha-honeymoon ka ba?" nangingiting tanong nito.

Natawa si Cedric. "Gago! Ano'ng honeymoon ang pinagsasasabi mo riyan. Magbabakasyon lang kami ng fiancée ko."

Nanlaki ang mga mata ni Louie. "Fiancee? Kailan ka pa na-engage? Bakit wala yata akong nabalitaan?"

"It's a long story, Pards. Pasensiya ka na, hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo."

Napailing si Louie. "Ang labo mo naman, Pards. Ni wala nga akong alam na nagka-girlfriend ka. Tapos aaminin mo ngayon na may fiancée ka? Magkaibigan pa ba ang tawag mo sa atin niyan?"

"Huwag ka nang maraming tanong. Ipahiram mo na sa akin ang susi ng resthouse niyo."

"Pambihira ka! Akala ko pa naman babayaran mo na ako kaya ka nakipagkita sa akin," nailing na sabi ni Louie.

Natawa si Cedric. "Naka-ready na 'yung check mo. Daanan mo na lang sa sekretarya ko. Basta ipahiram mo lang sa akin ang vacation house niyo.

"Kailan ba?" tanong ni Louie.

"Hindi ko pa sure. Sasabihan na lang kita."

"Sige, daanan mo na lang ang susi sa bahay."

"Thank you, Pards," nakangiting sabi ni Cedric sabay tapik sa balikat ni Louie.

"Naka-maternity leave 'yung secretary ko ngayon baka gusto mong pansamantalang pumalit," ani Cedric habang nag-aagahan sila.

"Talaga? Pwede ako ro'n?" aniya na noo'y naupo na sa tabi ni Cedric.

"Ano ba ang natapos mo?"

"Architecture."

Napakunot ang noo ni Cedric. "Natapos mo naman pala ang course mo, bakit yaya ang in-apply-an mo?"

"Siyempre kasunod ng pagbabago ko ng identity, burado na rin 'yung pagiging architect ko. At isa pa, ito lang ang paraan para hindi ako matunton ni Lolo. Hindi kasi nila iisipin na papasukin ko ang trabahong 'to."

Bahagyang napangiti si Cedric. "Ang taba talaga ng utak mo. Naisip mo pa 'yon?"

Pigil ang ngiting tumango ang dalaga.

"Anyway, I think kaya mo na 'yung mga trabaho ni Mayet," ani Cedric.

"Paano nga pala si Migui?"

"Si Manang na muna ang bahala habang nasa office ka."

Hindi nagpahalata si Nikki pero na-excite siya sa idea na 'yon. Isa 'yon sa pinapangarap niyang trabaho nung bata pa siya, 'yung may boss na pinagtitimpla ng kape.

"Magbihis ka na. Hihintayin na lang kita sa labas," ani Cedric matapos sumubo ng ilang subo.

Napakunot ang noo ng dalaga. "Ngayon na ba?"

"Oo."

Agad na tumayo si Nikki at patakbong umakyat sa hagdan. Nangingiting sumulyap si Cedric kay Manang. "Hindi siya mukhang excited, ano?" natatawang sabi ng matanda.

Natawa na lang din si Cedric.

Hindi iyon ang unang beses na napadpad siya sa opisina ni Cedric pero hindi pa rin mawala ang curiosity niya sa paligid. Para siyang bata na nagpalinga-linga sa paligid na tila amazed na amazed sa nakikita. Makabago kasi ang design ng company ni Cedric, malayong-malayo sa makalumang kompanya ng lolo niya. Puro salamin na dingding ang nakikita niya sa paligid gaya ng sa mga teleserye na napapanood niya sa telebisyon. Mayroon ding mga standee ng mga sikat na artista sa bawat sulok ng company. Sila 'yung mga sumikat na naging talent ng kompanya. Bukod kasi sa advertising, nagha-handle din ng mga talent ang company ni Cedric.

Nakatayo na sila noon sa tapat ng elevator pero panay pa rin ang sulyap niya sa paligid. Bahagyang sumulyap sa kanya si Cedric sabay napailing. Nang bumukas ang elevator, pumasok si Cedric pero abala pa rin ang mga mata niya sa paligid.

"Hey! Hindi ka ba sasabay?" tanong ni Cedric.

Pasara na ang pinto nang bigla siyang humakbang kaya agad na pinindot ni Cedric ang button atsaka siya nito mabilis na hinila papasok. Napasandal si Cedric at napasubsob naman siya sa dibdib nito. Kapwa sila natigilan nang magtama ang kanilang paningin. Ramdam nila noon ang bilis ng tibok ng puso ng bawat isa.

"Are you okay?" ani Cedric nang bahagya siyang itulak papalayo.

Biglang napayuko ang dalaga. "Yeah," aniya sabay kalas sa pagkakayakap sa binata.

Napalunok naman si Cedric at kunwaring inayos ang necktie. Nang bumukas ang elevator, nagpatiunang lumabas si Cedric at sumunod naman ang dalaga.

Nang dahil sa nangyari, nagkaasiwaan ang dalawa. Para silang napapaso sa isa't isa sa tuwing magdidikit ang balat nila. Hindi magawang gumalaw noon ni Nikki habang tinuturuan siya sa computer ni Cedric. Nakaupo kasi siya noon sa harap ng computer habang nakadukwang ito sa kanya. Nakakulong siya sa mga bisig ni Cedric kaya isang maliit na galaw lang ay maaring magdikit ang mga balat nila at lumikha ng tila mahinang boltahe ng kuryente sa braso, paakyat sa pisngi niya.

Halos kalahating araw din silang nagturuan ni Cedric bago niya nakuha ang lahat.

Kasalukuyang abala si Nikki sa computer nang katokin ni Cedric ang mesa niya. Kanina pa pala ito nakatayo sa harapan niya pero hindi niya ito napapansin. "May meeting ako sa labas, kapag may tumawag sa akin, kunin mo na lang ang mga detalye at i-email mo sa akin."

Napaawang ang mga labi niya. First time niya palang sa trabaho kaya hindi pa niya halos gamay ang lahat. Aapila sana siya kay Cedric pero mabilis na itong nakalabas.









Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now