Chapter 3

3.9K 129 2
                                    

Inabot ni Louie ang envelope atsaka niya sinilip ang laman. Pagkatapos ay sumulyap siya kay Cedric. "Sino naman ang babaeng 'to? Chicks mo?" nakangiting sabi nito.

Napangiti si Cedric. "Sira! Ano'ng chicks? Bagong yaya 'yan ni Migui."

Napakunot ang noo ni Louie. Halatang hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Cedric. "Yaya? Sigurado ka?" anito na noo'y muling napasilip sa picture sa loob ng envelope. "Eh, mukhang anak mayaman ang isang 'to, ah? Saang agency mo ba nakuha 'to?"

"Direct hired ko 'yan. Alam mo namang sirang-sira na sa akin ang mga agency na 'yan. Ilang yaya na ang pinadala nila sa akin na nahuli kong sinasaktan ang bata. Kaya hindi na ako dumaan sa kanila this time."

"Hindi ka lang talaga nakakatapat. Mayroon din namang agency na okay."

"Siguro nga. Pero ayoko nang sumugal sa kanila."

Napangiti si Louie. "Ano namang criteria ang ginamit mo? Mukhang jojowahin itong kinuha mo, eh. Naniniwala ka bang may alam sa bata ang isang 'to?" ani Louie habang tinititigan ang larawan.

" I don't know. Basta gusto ko siya," aniya.

Bahagyang natawa si Louie. "Baka gusto mong maging girlfriend."

Natawa si Cedric. "Sira!"

"Pards, mukhang hindi naman anak mahirap ang isang 'to," ani Louie nang ibaba ang envelope.

"Mukha naman siyang mabait. Kaso lang, napansin ko rin na hindi pangkaraniwan ang kutis niya. Makinis ang balat niya na parang hindi naarawan. Kaya nga gusto kong i-background check mo siya. Alamin mo kung totoo ang mga nakalagay sa resume niya. Baka kasi mamaya, miyembro lang siya ng isang sindikato na kunwaring mag-a-apply ng kasambahay, pagkatapos lolooban ang bahay."

Napatango-tango si Louie. "Sige, tatawagan na lang kita kapag may result na. Hindi na ako magtatagal may ka-meeting din ako ngayon, eh," ani Louie na noo'y inabot ang envelope sabay tumayo.

Tumayo na rin si Cedric at hinatid niya hanggang sa bungad ng pintuan si Louie. "Sige, Pards, balitaan mo na lang ako."

Maagang umuwi ng bahay si Cedric nang araw na iyon. At gaya nang nakagawian niya, dumiretso muna siya sa kwarto ni Migui para siilipin ito. Minsan na niya kasing nahuli ang dating yaya ni Migui na sinasaktan ang bata. Kaya todo ang bantay niya ngayon kay Mika.

Biglang natigilan si Cedric nang buksan niya ang pinto. Tumambad kasi sa kanya ang halos hubad na katawan ni Mika na noo'y kasalukuyang nagbibihis.

"Bastos!" sigaw ni Mika sabay hablot ng kumot na kanyang ibinalot sa halos hubad niyang katawan.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Ano'ng bastos? Alam ko ba'ng nagbibihis ka? Hindi ba't sinabihan na kita na 'wag kang magla-luck dahil any time sumisilip ako sa bata. Hindi ba't malinaw na sign na 'yon na hindi ka dapat basta naghuhubad sa loob ng kwarto?"

"Eh, sana po kasi Sir kumatok muna kayo," katwiran ni Mika.

"Para ano? Para hindi ko maaktuhan kung may ginagawa kang hindi maganda sa bata?"

"Hindi naman po ako ganun, Sir."

Naniningkit ang mga matang lumapit si Cedric. "Then what are you trying to do? Seduce me?"

Nanlaki ang mga mata ni Mika. "Naku! Hindi po, Sir. Bakit ko naman po gagawin 'yon?"

Muling humakbang papalapit sa kanya ang binata. "Malay ko ba kung may binabalak kang hindi maganda sa pamilya ko."

Napalunok si Mika nang mapasandal siya sa dingding habang umuurong.

"Hindi po ako ganun, Sir. Trabaho lang po ang ipinunta ko rito," taas noong sabi niya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang itinatago sa akin. Dahil kahit ano'ng galing mong magtago, malalaman at malalaman ko rin 'yan. Sige na, magdamit ka na roon sa banyo," ani Cedric atsaka siya tinalikuran.

Agad na hinablot niya ang mga damit sa kama atsaka siya patakbong pumasok sa banyo. Habol ang hinihinga niya habang nakasandal sa likuran ng pinto. Iyon ang unang beses na may lalaking nakakita nang halos hubad niyang katawan. "Grabe, nakakahiya!" mangiyak-ngiyak na sabi niya. Pulang-pula ang psingi niya noon sa sobrang kahihiyan na inabot niya. Hindi naman niya kasi sukat akalain na darating si Cedric nang ganoong kaaga.

Tapos na siyang magbihis pero nagdadalawang isip pa siyang lumabas. Nakailang beses na niyang tinangkang pihitin ang doorknob pero agad niya rin iyong binibitiwan. Hindi niya kasi alam kung paano niya haharapin ang amo nang parang walang nangyari. Idinikit niya ang tainga sa likuran ng pinto atsaka siya nakinig sa labas. Pero wala kahit ano'ng tunog siyang naririnig. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan asaka siya bahagyang sumisilip sa labas pero wala nang tao roon. Napahawak sa dibdib si Mika sabay buga ng hangin. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. "Kaya mo 'yan, Mika!" bulong niya bago siya lumabas ng banyo.

Bumaba siya sa sala para kunin si Migui pero wala roon ang dalawa. Sumilip siya sa gawing kusina maging sa may garden pero wala roon ang dalawa kaya muli siyang umakyat at dumiretso sa kwarto ni Cedric. Nakabukas ang pinto kaya agad niyang natanaw ang mga ito. Humahagalpak pa sa tawa ang bata habang hinahalik-halikan sa leeg ni Cedric. Bahagyang napangiti si Mika, ang sarap kasing pagmasdan ng mag-ama habang nagkukulitan. Hindi niya maiwasang mapahanga kay Cedric sa pagiging mabuting ama nito kay Migui. Kahit pa pagod ito sa maghapong pagtatrabaho, naglalaan pa rin ito ng oras para makipag-bonding sa bata.

Napatigil sa ginagawa si Cedric at lumingon sa kanya nang mapansin siyang nakatayo sa labas ng pinto.

"Get in," anito.

Alanganing inihakbang ni Mika ang mga paa papasok atsaka siya tumayo malapit sa kama, kung saan nagkukulitan ang mag-ama.

"Sorry, sa nangyari kanina," ani Cedric nang bumaba sa kama.

"Sorry din po kung nasabihan ko kayong bastos," nakayukong sabi niya.

"Maraming beses na kasing nangyari na nahuli ko ang yaya ni Migui na minamaltro ang bata. Kaya hindi kita ina-allow na mag-lock kayo sa loob."

"Okay lang po, Sir. Naiintindihan ko po."

Nang ipapasa na ni Cedric ang bata, aksidente nitong nasagi ang dibdib ni Mika. Napaawang ang mga labi ng dalaga na noo'y agad na napatingin sa binata.

"Sorry," sambit nito.

Namula ang pisngi ng dalaga gayon din si Cedric. "S-Sige po, Sir. Babalik na po kami sa kwarto ni Migui," natatarantang sabi niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Cedric agad na siyang tumalilis palabas ng kwarto.

Napabuga na lang ng hangin si Cedric nang sumara ang pinto.








Destined To Be YoursWo Geschichten leben. Entdecke jetzt