Chapter 6

3.8K 120 4
                                    

"Para saan 'yon?" pigil ang emosyong tanong ni Cedric nang bumitaw si Mika.

"Sorry po! May pinagtataguan lang po ako," nahihiyang sabi ng dalaga.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Sino?"

Hindi pa nakakasagot si Mika nang biglang may magsalita mula sa likuran niya. "Nikki, Darling, is that you?"

Nagtatanong mga matang tumingin si Cedric sa dalaga. Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi nito. Mariin muna itong napapikit bago lumingon sa likuran.

"T-Tita Belle," tanging nasambit ng dalaga. Todo ang kabog ng dibdib ni Mika noon mukha kasing dead end na siya.

Hindi na niya magagawang magkaila pa dahil huling-huli na siya ni Cedric.

"How's your mom?" tanong ng tita niya matapos humalik sa pisngi niya.

"N-Nakabalik na po pala kayo mula sa US?"

"Oo, ngayon lang. Dumiretso muna kami rito para mag-dinner? Hindi mo ba napansin ang mga pinsan mo?" tanong nito.

Alanganing ngumiti ang dalaga. "Nandito rin po ba sila?" kunwa'y sabi niya sabay lingon sa likuran.

"Yeah! Nauna lang silang lumabas sa akin. So, how's your mom?" muling tanong nito.

"B-Baka po okay naman, Tita," alanganing sagot niya.

Napakunot ang noo ng tita niya. "Baka? What do you mean by that? Hindi ka pa rin ba bumabalik sa inyo?" Napabaling ang tingin nito kay Cedric at sa batang hawak nito bago ito muling bumaling sa kanya.

"Tita, it's not what you think, po," agad na sabi niya.

Alanganing ngumiti si Cedric atsaka ito tumayo. "Hello po. I'm Cedric," anito atsaka nito inabot ang kamay sa babae.

"Hi! I'm Belle, Nikki's aunt. Kapatid ako ng daddy niya," anito.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Nikki?" anito sabay baling sa dalaga.

Ngumiti ang babae. "Yeah, si Nikki," anito sabay turo kay Nikki.

Napatango-tango ang ulo ni Cedric na noo'y sumakay na lang. "N-Nice meeting you, po, Ma'am," nakangiting sabi nito.

"Ikaw, siguro ang dahilan kung bakit tumakas si Nikki sa fiancé niya," nangingiting sabi ng babae.

"Tumakas?" Muling napatingin kay Mika si Cedric pero ngumisi lang ito sa kanya atsaka ito bumaling sa babae.

"Tita, please! Saka na lang po ako magpapaliwanag sa inyo. Please don't tell Lolo na nakita niyo ako."

"My God, Nikki! It's been two months already. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nagpapakita sa lolo mo? Nakapagbakasyon na ako't lahat hanggang ngayon pala hindi ka pa rin umuuwi sa inyo?"

"Tita, please! Not here," pakiusap niya.

Hinawakan siya sa isang braso ng tita niya atsaka siya nito hinila. Pero bago pa sila makalayo, nakangiting bumaling ito kay Cedric na noo'y halatang naguguluhan na rin sa kanila. "Wait lang, Pogi. Kakausapin ko lang ang pamangkin ko," anito atsaka siya hinila papunta sa kabilang mesa.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Coincidence lang ba na kapangalan niya si Nikki?"

"Sino ang lalaking 'yon? At 'yung batang kasama niya?" agad na tanong ng tita ni Nikki. Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa kanya para hindi marinig ni Cedric.

"Boss ko po 'yon. Anak naman po niya 'yung bata," aniya.

"Boss? Eh, bakit magkasama kayo na parang mag-jowa? Huwag mong sabihing tinakbuhan mo si Kyle para lang kumabit sa Cedric na 'yan?"

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon