Chapter 20

87 1 0
                                    

Nabulabog ang pagtulog ni Nikki nang makarinig ng ingay na nagmumula sa labas kaya agad siyang napadungaw sa bintana. Tanaw niya mula roon si Kassey habang kinakalampag ang bakal na gate. Para itong wala sa sarili na nagsisisigaw sa labas. Mayamaya pa, tumigil ang sasakyan ng barangay at bumaba ang ilang lalaki na naka-uniporme ng tanod. Kasunod nila ang mga babae na base sa suot na uniporme ay mga representative ng DSWD.

"Cedric, lumabas ka riyan! Ilabas mo ang anak ko," sigaw ni Kassey.

Pilit itong inaawat ng mga babae at ng mga barangay tanod pero patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng gate.

Mayamaya pa natanaw niyang humahangos palabas si Cedric kasunod ni Manang.

"Kailangan mo pa ba talagang umabot sa ganito, Kassey? Napaka-eskandalosa mo," agad na sabi ni Manang nang magbukas ng gate.

"Bakit? Nahihiya kayo? Kung ibinigay niyo lang agad ang anak ko hindi tayo aabot sa ganito," sigaw ni Kassey.

"Misis, kumalma po kayo. Pag-usapan mo natin nang maayos ito," sabi ng isang matabang babae na hindi na nalalayo ang edad kay Manang.

Napabuga ng hangin si Cedric na noo'y pilit kinakalma ang sarili. "Sa loob na lang ho tayo mag-usap," aniya atsaka niya iniluwang ang pagkakabukas ng gate. Nang makarating sa sala agad na nagpaalam si Cedric para kunin ang bata.

"Bihisan mo ang bata. Paki-empake mo na rin ang mga damit niya," walang emosyong sabi ni Cedric nang makapasok sa silid.

Napaawang ang mga labi ni Nikki. "A-Are you sure?"

Naupo si Cedric sa gilid ng kama atsaka ito mariing napahaplos sa mukha. "Do I have a choice?" nangingilid ang luhang tanong nito.

"You can file a case against her. Patunayan mo na hindi niya deserve na maging ina. Ikuwento mo sa kanila kung paano inabandona ni Kassey ang anak niya."

Napailing si Cedric. "Kung 'yung ugali niya noon ang ugali niya ngayon, hindi ko talaga hahayaan na makuha niya ang bata. Bago pa dumating ang araw na 'to. Naipa-check ko na kay Louie ang status ng buhay ni Kassey ngayon. Maging ang ugali ng asawa niya. Totoong maayos na ang buhay niya dahil mabait at matino ang napangasawa niya. Kaya kahit papaano, hindi ganoon kabigat para sa akin ang bumitaw sa bata. Recently lang nang malaman nila na walang kakayang mag-anak si Paul, ang asawa ni Kassey, kaya nagkaroon ng lakas ng loob si Kassey na sabihin ang tungkol kay Migui. Totoo ang sinabi ni Kassey na tanggap ng asawa niya ang bata kahit hindi pa niya ito nakikita. In fact, namili na raw ito ng mga gamit ng bata habang nasa US sila." Napayuko si Cedric. "Masakit sa loob ko na ibalik ang bata pero ayoko rin namang magpaka-selfish not to give him to her mom. Masyado pang bata si Migui. Kailangang-kailangan niya pa ang pag-aaruga ng tunay niyang ina."

Bahagyang napangiti si Nikki. Napahanga kasi siya sa binata. Ramdam niya ang bigat ng loob nito pero mas nanaig ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa bata bilang ama.

"Bibihisan ko lang ang bata," aniya atsaka niya ito iniwan.

Todo ang higpit ng yakap ni Cedric sa bata nang iabot niya ito. Hindi na rin napigilan noon ni Cedric ang sarili at napahagulgol na rin ito ng iyak. "I'm sorry, Baby. Hindi ka na ipaglalaban ni Papa. You'll be much better with your mom," bulong niya sa bata.

Hindi maiwasang maluha ni Nikki habang pinapanood niya ang mag-ama. Oo, mag-ama. Dahil totoo namang nagpaka-ama si Cedric sa bata. Nilapitan niya ang mga ito atsaka niya niyakap. Sa sandaling panahon ay natutunan niya ring mahalin ang bata kaya ganun na lang ang pag-agos ng luha niya.

"Are you sure, hindi na natin siya ipaglalaban? What if, mali ka nang akala? Paano kung mapahamak si Migui?"

Hilam sa luhang napangiti si Cedric. Kinabig siya nito atsaka siya hinalikan sa noo. "It won't happen. Trust me. He will be fine with them," ani Cedric. Napasibi na lang siya at muling napayakap sa mag-ama.

Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now