Chapter 2

3.5K 93 11
                                    

PERSEPHONE













Namaywang ako sa harap ni Avo nang makita ang agahan namin. Sa araw araw na ginawa ng diyos mapupurga na ako sa puro sunog na agahan.

"Great, muntik ko ng hindi makilala ah? " sarkastiko kong sabi.

He sighed. "Piliin mo na lang yung hindi masyadong sunog. That would be the last, babalik na sina Manang Lorna. "

Nagtaas ako ng kilay. "Good, para naman hindi puro pagmumukha mo ang nakikita ko sa bahay na ito. "

Tiningnan niya ako ng masama. Bakit? Nasasabi lang naman ako ng totoo ah?

"Hindi sila dito nag-i-stay. Umuuwi sila kada hapon. " ani Avo kaya napairap ako.

Inilapag ko sa lamesa ang bag ko at kinuha sa loob ang binili kong tinapay. Avo pouted when he saw it.

Kumuha ako ng three in one na kape at yun ang inalmusal ko kasabay ng tinapay. Siya na lang ang kumain ng sunog dahil magkakasakit na ako kapag pinagtyagaan ko pa ang luto niya na sing itim ng budhi niya.

"Hey! Akin yan! " inis kong sigaw nang kinuha niya ang plastic ng tinapay at kumuha duon.

"Ang damot mo. " aniya at nagtimpla rin ng sariling kape.

Akmang hahampasin ko siya nang may mapansin akong dalawang tao sa may pinto ng kusina.

Isang may katandaang babae at isang babae na may malaking ngiti at nakatingin kay Avo.

"Magandang umaga, Sir Avo. " bati ng matandang babae.

"Nandiyan na pala kayo, Manang Lorna. " ani Avo.

So sila pala yung sinasabi niya.

"Good morning, Sir Avo! " bati ng babae.

Tumango lang sa kanya si Avo bago tumingin sa akin.

"She's Persephone. " pakilala sa akin ni Avo.

Manang Lorna smiled at me so i smiled back. Tumingin ako sa babae na napabaling sa akin, mukhang ngayon lang niya ako napansin ah?

"Sino siya Sir Avo? " tanong pa nito. "Katrabaho mo?"

I mentally rolled my eyes. I don't like her tone, pakiramdam ko hindi niya gusto na nandito ako.

Umiling si Avo. "Hindi ko siya katrabaho, Lyra. She's a teacher, malayo sa propesyon ko."

Tumango ang babae na tinawag niyang Lyra at bahagya pang namula ang mga pisngi.

Tss.

"Manang Lorna, dito na nakatira si Persephone kaya kayo na rin ang bahala sa kanya. Her room is the one beside my room,  pakilinis niyo na lang din po. " ani Avo na agad tinanguan ni Manang Lorna.

"D-Dito na siya nakatira?. Bakit? " sabay pa kaming napalingon ni Avo kay Lyra na gulat na gulat yata sa narinig.

Sino ba siya at bakit parang big deal sa kanya na nandito ako?

"You heard me right, Lyra. She's living here with me, and i don't think kailangan kong magpaliwanag kung bakit. " malamig na wika ni Avo at agad kong nakita ang sakit na dumaan sa mga mata ni Lyra.

I smell something fishy here, mukhang may tama siya sa gurang na kapre na ito.

"P-Pasensya ka na Sir Avo." Ani Manang Lorna. "M-Matanong lang talaga itong si Lyra. "

Tumango si Avo at bumalik na sa pagkain. My mouth parted when Lyra glared at me.

Wow ha? Anong problema niya sa akin? Kung galit siya aba'y h'wag niya akong idamay dahil hindi ko siya inaano.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now