Chapter 9

3.1K 103 14
                                    

PERSEPHONE













Humikab ako at bahagyang kinusot ang mga mata. May tinatapos akong lesson plan kaya hindi pa ako pwedeng matulog.

Marahan kong minasahe ang leeg ko dahil nangawit na yata sa pagyuko. Nilingon ko ang pinto ng kwarto ko nang may marinig akong katok.

I sighed.

Isa lang naman ang kasama ko dito sa bahay kaya sigurado akong si Avo lang iyan. Nang hindi ko pinansin ay unti-unti iyong bumukas at sumilip siya.

Nagtaas ako ng kilay nang magtama ang mga mata namin. Pumasok siya at dahan-dahang naglakad palapit sa table ko kung nasaan ako.

Inilapag niya sa table ko ang  dala niyang baso  na may lamang gatas.

Simula ng makabalik kami galing sa resort napansin ko ang pag-iiba ng ugali niya. Though, palagi pa rin niya akong inaaway at inaasar pero may mga ikinikilos siyang kakaiba na mahirap maipaliwanag.

Tulad na lang ng gabi gabi niyang pagdadala ng gatas dito sa kwarto ko. Ang paghatid sundo niya sa akin, araw araw yon walang palya.

Hindi ko alam kung anong nakain niya at ginagawa niya ang mga bagay na iyon.

"Here's your milk. " aniya.

"Thanks. " pasasalamat ko na ikinangiti niya.

See? Madalas na din siyang ganyan. Ngiti ng ngiti na akala mo nagpapacute na kalabaw.

Muli akong nagtaas ng kilay nang lumakad siya at pumunta sa kama ko. Naupo siya duon bago humiga sabay pikit ng mga mata.

"Hoy, umalis ka nga diyan. Kung inaantok ka na dun ka sa kwarto mo. " saway ko sa kanya.

Hindi siya kumilos o sumagot. Nanatili siyang nakapikit na akala mo natutulog na talaga.

"Hoy, umalis ka sabi diyan eh! " naiinis kong saad.

Nang hindi pa rin siya natinag ay tumayo ako at naiinis siyang nilapitan para paalisin.

"Hoy Avo, alis diyan! Dun ka sa kwarto mo!" Sabi ko at hinila ang braso niya.

"Avo! Ano ba?! H'wag kang makisabay! May tinatapos pa ako! Alis na diyan!"

I gasped when he pulled me. Nawalan ako ng balanse kaya bumagsak ako sa ibabaw niya.

"Bwiset ka talaga!" inis kong sigaw at hinampas ang dibdib niya.

Mahina siyang tumawa na mas nagpainit sa ulo ko. Ano bang akala niya? Nakikipaglokohan ako?

Akmang aalis na ako sa ibabaw niya nang ipinulupot niya ang mga braso sa baywang ko.

Itinulak ko ang dibdib niya nang magsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bitaw Avo! " inis kong utos sa kanya.

"Ayaw. " iling niya at iminulat ang mga mata.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang magkatitigan kami.

"Bitaw sabi eh! Ano bang nangyayari sayo? Nakadrugs ka ba?!"

"Yeah, i think so. " aniya na ikinagulat ko.

Oh my god!. Is it true? Nakadrugs ba talaga siya? Hindi malabo, ang lakas ng sapak e!

Inis kong tinampal ang dibdib niya. Hindi na nahiya sa akin ang lakas ng loob na umamin!."Walanghiya ka! Bakit ka nagda-drugs ha?!" Galit kong tanong na tinawanan lang niya.

"Bitiwan mo ako! Aalis na ako dito sa bahay mo bago ka pa matokhang at madamay pa ako!"  galit na galit kong sigaw.

"Damn! You're so cute! " tawa niya kaya sinampal ko siya.

Shorty, Be MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang