Chapter 6

3K 92 6
                                    

PERSEPHONE












Simula ng araw na iyon, iniwasan ko na si Avo. Hindi ko nagugustuhan ang reaksyon ng puso ko tuwing nagkakalapit kami kaya minabuti kong umiwas na lang.

Ang lahat ng atensyon ko ay itinuon ko sa pagtuturo. Minsan ay ginugulo pa rin ako ni Darren, gusto pa rin niyang makipagbalikan pero wala na akong balak na bumalik pa sa katulad niya.

Para akong nagising sa isang bangungot. Lalo na nang makita ko ang pagtrato niya sa anak niya at kay Hana.

Isang beses kasi na dinalaw ko ang mag-ina ay nakita ko si Darren duon. Nasa labas sila ni Hana at kung anu-anong masasakit na salita ang binitiwan niya dito.

Hindi ko tuloy alam kung paano ko minahal ang kagaya niya. Walang paninindigan at puro sarili lang ang iniisip.

Kaya pala hindi boto si Daddy sa kanya dahil ganoon pala ang ugali niya. Mabuti na lang talaga at hindi ko ibinigay ang lahat sa kanya.

"Ay kabayo!" gulat kong singhap nang may bumusina sa akin habang naghihitay ako ng masasakyang taxi.

Napangiti ako nang makita ko si Addie na bumababa sa isang kotse.

"Hi Ate Seph! " bati niya sa akin.

"Addie! Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

"Well, ikaw ang sadya ko dito. May gagawin ka ba this weekend?" tanong niya.

"Wala naman. " iling ko. "Long weekend nga eh dahil holiday din ng Monday. " dagdag ko pa.

Napapalakpak siya. "Sakto! Birthday ko kasi, balak kong manlibre sa isang resort. And I'm here to invite you, Ate. " ngisi niya. "At bawal tumanggi kasi magtatampo ako. "

I pouted. "Oo na. "

I know Addie, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako napapayag.

She giggled. "Nice! So pa'no? Sunduin kita ng Saturday morning ha? And don't forget to bring your bikini dahil mandadagit tayo ng mga shokoy! "

Napailing ako. "Sira ka talaga. "

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Addie ay nagpresinta siya na ihatid ako sa bahay ng kapatid niya kaya hindi na ako tumanggi dahil sayang din naman ang pamasahe sa taxi.

"Bye Ate! "

I waved at her. "Ingat sa pagdadrive. "

Nang makaalis ay saka ako pumasok sa loob kung saan ko nakita si Avo at Lyra na nagtatawanan habang may hawak na cellphone.

"Madali lang pa lang gamitin, Sir Avo!" ngiti ni Lyra. "Salamat sa pagtuturo!"

"Basics lang naman yun. " sabi naman ni Avo. "And sorry kung nasira ko ang phone mo. "

Nakangiting umiling si Lyra habang ang mukha ay pulang pula. "Ayos lang Sir, nakakahiya nga kasi pinalitan mo pa ng bago at mas maganda. "

Umirap ako nang matingin sila sa gawi ko. Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Avo at akmang lalapitan ako nang agad na akong umakyat sa hagdan.

"Persephone! " tawag niya pero hindi ko pinansin.

Pero ang bwiset sumunod pala sa akin at inabutan ako sa harap ng kwarto ko.

"Persephone, why are you avoiding me?. " he asked and holds my arm.

Kunwari akong nagulat. "What? Patawa ka, sino ka naman para iwasan ko? " natatawa kong tanong at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin dahil nagrereact na naman ang puso ko.

Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Liar. Akala mo ba hindi ko napapansin? You're avoiding me at hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yon! " aniya na ikinalunok ko.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now