Chapter 17

3.5K 100 15
                                    

WARNING: MATURED CONTENT!!!.
May contain sensitive topics, matured scenes, violence, strong languages, vulgar words. Read at your own risk.

PERSEPHONE











"Shit naman, nasaan ba ang charger ko?" naiinis kong tanong habang hinahalungkat ang mga gamit ko.

Saan ko ba nailagay ang charger ko? Bakit wala dito sa table ko? Bakit ba kasi ang burara ko minsan?

Kailangan kong magcharge dahil nalowbat ako sa pakikipagvideo call kay Liz na kinukulit ako kung kailan daw ba ako papasok.

Halos thirty minutes ko ng hinahanap ang charger ko pero hindi ko pa rin makita. I sighed and gave up. Hihiram na nga lang ako kay Avo. Bibili na lang siguro ako bukas.

Inayos ko ang suot kong night dress bago lumabas ng kwarto ko at tinungo ang kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya minabuti kong pumasok na lang.

"Nasaan kaya si Gurang." sabi ko at tinungo ang table niya para hanapin kung may charger ba duon. Nang wala akong mahanap ay isinunod ko ang nightstand niya.

I smiled when i saw the three photo albums. Naalala ko pa nung isang beses na inasar ko si Avo na stalker ko pala siya bata pa lang ako. Nung una todo tanggi pa ang loko pero nung sinabi kong nakita ko ang mga photo albums ay napaamin ko din siya.

"Balak ko na ngang dalhin sa Quiapo yang picture mo para ipagayuma ka e. Ang tagal mo naman kasi akong mapansin! Ang manhid mo!"

Napapailing na lang ako tuwing naaalala ko ang sinabi niya non. Pulang pula pa ang mukha ng loko.

"Got yah!" ngiti ko nang makita ko sa pinakahuling drawer ang charger niya.

Papaalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas duon si Avo na talop na talop.

Oh my god!

Nanlaki ang mga mata namin. Napatili ako nang madako ang tingin ko sa ibabang bahagi ng katawan niya at makita ko ang big bird niya.

"Fuck!" mura niya at agad na bumalik sa loob ng banyo.

Ako naman ay agad na tumakbo patungo sa pinto niya para makalabas na dahil sobrang nag-iinit na ang pisngi ko sa kahihiyan.

Ang tanga ko lang dahil bago pa ako makalapit sa pinto ay nadulas ako kaya napasalampak ako sa sahig.

Oh shit! Ang pwet ko! Ang sakit! Ang bilis yata ng karma?

"Shit! Persephone!" agad akong dinaluhan ni Avo at binuhat patungo sa kama niya.

He's now wearing a white towel on his waist. Napatili ako nang maalala ang itsura ng nakita kong big bird niya.

"Bastos ka!" sigaw ko sabay sabunot sa kanya.

"Aray ko! Ikaw kaya tong may kasalanan! Malay ko bang nandito ka sa kwarto ko!"

Oh my freaking gosh! Ang laki ng kanya! Nakita ko na rin naman yung kay Darren nung nahuli ko siya sa unit ni Cherry pero hindi naman ganoon kalaki iyon. Bakit yung kay Avo parang nakakatakot? Bakit parang...galit?

Oh god! Angry bird?

"Oh my gosh! Babangungutin ako nito dahil sayo e!"

"Tss, grabe ka naman! Hindi naman ako halimaw para bangungutin ka--"

"You're a beast! Ang laki niyang angry bird mo!" sigaw ko na pareho naming ikinatigil.

Napapikit ako sa sobrang kahihiyan lalo na nang humalakhak siya.

"Really? Malaki ba talaga--"

Tumili ako at tinakpan ang bunganga niya. Sinamaan ko siya nang tingin at agad na inalis ang kamay ko nang maramdaman ang paghalik niya duon.

Shorty, Be MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin