Chapter 14

3.4K 88 10
                                    

PERSEPHONE










"Mahal, are you still mad at me?"

Hindi ko pinansin si Avo at sinimulang ayusin ang buhok ko. Kanina pa siya tapos mag-ayos at hinihintay na lang ako bago kami tumulak patungo sa shelter.

He's brutally handsome in his white short-sleeved shirt paired with a black leather jacket and a black trousers. Ang buhok niya ay natural na magulo na bagay lang sa kanya.

Pero nunkang purihin ko siya ngayon. I won't do that, lalaki lang lalo ang ulo ng bwiset na 'to.

I did a french braid on my hair. Nang matapos ay tahimik akong tumayo at inayos ang suot kong red halter knee-length dress.

Avo stood up from sitting on my bed and went closer to me. He hugged my waist while staring at my face through the mirror in front of us.

Mula sa salamin ay inirapan ko siya kaya ngumuso siya ng bahagya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa exposed kong balikat na nagpatindig sa balahibo ko.

"Don't be mad at me. Binibiro lang naman kita kanina, Mahal. " aniya na pinalalambing ang boses.

Hindi naman na ako galit. Nag-iinarte lang ako para bigyan siya ng leksyon. Para tigilan na niya ang pang-aasar sa akin na madalas ay ikinaha-highblood ko.

He caressed my stomach. Muntik na akong mapaungol dahil duon buti na lang at nakagat ko ang labi ko.

Avo's simple touch always makes me feel hot. Hindi ko alam kung natural lang ba iyon dahil hindi ko naman iyon nararamdaman nung kami pa ni Darren.

Maraming panibagong pakiramdam ang naipapakilala ni Avo sa akin. Mga pakiramdam na sa kanya ko lang nahanap at natutunan.

Bago pa ako tuluyang mag-init ay tinampal ko na ang kamay niya at lumayo sa kanya para kuhanin ang bag ko.

"Mahal--"

"Let's go. Baka nanduon na silang lahat. " sabi ko at nauna ng lumabas sa kwarto ko.

Ilang sandali lang naman ay nakahabol na sa akin si Avo at inalalayan ako pababa ng hagdan hanggang sa kotse niya.

Mamaya ko na lang siya babatiin. Tuturuan ko muna ng leksyon para magtanda.

Kami ang pinakahuling dumating sa shelter. Nanduon na silang lahat at nakikipagkulitan na sa mga bata na halatang masaya dahil sa presensya ng ibang tao.

"Oh bakit busangot si Avo?" tanong ni Ascott nang lumapit ako sa kanila ni Addie na nakikipaglaro sa ilang mga bata.

"Oo nga, paskong pasko ang sama ng mukha. " segunda ni Addie.

"Masama din naman ang ugali niya kaya bagay lang. " sabi ko na ikinatawa nila.

"Nag-away na naman kayo?" tanong ni Ascott.

Hindi pa alam ng pamilya niya ang tungkol sa relasyon namin. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila. Dahil mahirap paniwalaan na kaming dalawa na daig pa ang aso't pusa ay magkakasundo sa ganitong bagay.

"Ano na bang status niyo?" kuryosong tanong ni Addie.

"Malamang malabo pa sa tubig kanal!" tawa ni Ascott. "Si Avo pa?"

"Sus, hindi siguro!" iling ni Addie. "They won't eat each other's face if-- "

Natigil sa pagsasalita si Addie nang may isang bata na umiyak. Nilapitan niya iyon at inalo.

Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na niyang isiwalat ang kalokohan namin ni Avo nung kasal ni Athran.

I pouted when the kid cried louder. Napailing si Ascott at kinuha kay Addie ang bata na sa halip tumahan ay mas ngumawa pa.

Shorty, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon