Chapter 7

3.1K 94 2
                                    

PERSEPHONE













"WHAT?!" sigaw ko sa receptionist nang sinabi nitong isang room lang ang nakareserved para sa amin ni Avo.

"Hindi pwedeng isa lang.  Miss, paki check namang mabuti. "

Tumango ang receptionist at may chineck sa computer nito.

"I'm really sorry, Ma'am. Isang room lang po talaga ang nakareserved sa pangalan niyo ni Sir. " anito na ikinabagsak ng balikat ko.

Nilingon ko si Avo na naiiling sa gilid ko habang dala ang mga bagahe namin.

"What are we going to do now?!" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Chill, kukuha na lang ako ng sarili kong kwarto. " aniya kaya agad akong napatango.

"That's a good idea--"

"Sorry na lang kayo, wala na kayong makukuha. "

Sabay kaming napalingon ni Avo kay Uno na papalapit sa pwesto namin.

"Fully book na sila. Ganyan din ang ginawa sa amin ni Addie. Magkasama din kami ni Dos sa isang kwarto, we tried to book  for another one but wala na. " ani Uno. "Don't worry, lahat naman tayo halos may kashare sa kwarto, hindi lang kayo."

"What?!" singhap ko. Bumaling ako sa receptionist at halos mapapikit ng tumango ito.

Oh god! What's happening?!

"Don't worry, malaki naman ang mga rooms na nakuha ni Addie, even the bed is huge. Baka nga hindi pa kayo magkatanawan eh. So Enjoy niyo na lang! Malay niyo maging close kayo! "

Tumakbo si Uno nang asar ko siyang sinugod. No wonder na magkapatid sila ni Avo, parehong bwiset!

"Halika na. Wala naman na tayong magagawa." Aya sa akin ni Avo na nagsimula ng maglakad patungo sa elevator.

Bagsak ang balikat na sumunod ako sa kanya.

Kakayanin ko ba na makasama siya sa iisang kwarto ng ilang araw? Paano na ang pag-iwas ko sa kanya? Yung reactions na bigla kong nararamdaman? Mapipigilan ko ba iyon?

Pagdating sa suite namin ay maganda naman iyon at malaki nga, isang hawi lang sa makapal na kurtina ay makikita mo na ang magandang view ng dagat  na nakakarelax. Ang problema nga lang, iisa ang kama, so sino ang matutulog sa couch?

Nilingon ko ang couch at napabuntong hininga. Tingin ko pa lang alam kong hindi na kasya si Avo dahil sa tangkad niya. So ano? Ako ang sa couch, ganern?

Nilingon ko si Avo na naupo sa kama at kinakalikot ang cellphone niya. Bigla siyang nag-angat ng tingin kaya nagtama ang mga mata namin.

I cleared my throat when my heart thumped. Nag-iwas ako ng tingin at nilapitan na lang ang bag ko.

"Nasa baba daw sila Addie. If you want to go out, puntahan mo na lang sila. " anito at humiga sa kama.

Napalunok ako habang pinapanood ang pagpikit niya.

"Eh ikaw? " tanong ko na hindi mapigilan.

"I'll sleep first. Mamaya na ako bababa. " aniya na nakapikit pa rin.

Agad kong hinagilap ang cellphone ko. May text duon si Addie na sinasabing nasa baba nga sila at pinapasunod ako duon. Sinabi din niyang magsuot na ako ng bikini kaya naman agad akong nagpalit ng damit sa banyo.

I put my white two piece bikini na pinatungan ko ng white short sleeve cover up. Naglagay din ako ng sunblock bago lumabas ng banyo.

Pagkatapos magpalit ay agad na akong bumaba para puntahan sila Addie. Kasama niya ang mga pinsan niyang babae na agad akong inaya sa may dagat. Ang puputla daw namin kaya kaya magbilad daw muna kami sa araw.

Shorty, Be MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang