Chapter 10

3.2K 94 7
                                    

PERSEPHONE













"Mahal, galit ka na naman... "

Agad akong huminto mula sa mabilis na paglalakad nang marinig ko ang nakakabwiset na boses ni Avo.

"Shut up!" angil ko sa kanya pero agad ding nagbuntong hininga para kalmahin ang sarili.

Alam kong kailangan kong magpaliwanag dahil sa ginawa ko.

"I didn't mean it, okay? Sorry kung ginamit kita, gusto ko lang ipakita na nakamove-on na ako para hindi nila ako insultuhin na akala mo ako na ang pinakaboring na tao sa mundo. "

Sumeryoso ang mukha ni Avo. Bahagya akong natakot duon. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Alam kong mali ang pagsisinungaling pero sobra na kasi sila. " sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Muling lumipad ang mga mata ko sa mukha niya nang marinig ko ang mahina niyang pagmumura.

"H-H'wag kang magalit. Aayusin ko to. Sorry kung idinawit pa kita--. "

"Damn it! Persephone!" mura ni Avo at mabilis akong inabot para ikulong sa mga bisig niya. "It's fucking fine with me!" he said making me stilled.

"Use me all you want! I don't care! Basta ako na lang, ako lang ang pwede mong gamitin!" Dagdag pa niya na ikinagulat ko.

What the hell? Is he serious?

"A-Avo... "

"Let me help you move on from that bastard. Use me as long as you want, it's fine with me." Mariing sambit niya na parang kinukumbinsi pa ako. "H'wag mo ng ayusin, let them think na boyfriend mo talaga ako."

Inilagay ko sa dibdib niya ang mga kamay ko at marahan siyang itinulak. My heart is pounding fast and hard.

Ayos lang sa kanya na gamitin ko siya? Bakit? Bakit parang gustong gusto niya na ituloy ito? Bakit gusto niyang gamitin ko siya? Ano bang mapapala niya duon?

"Wala akong pambayad sayo, Avo--"

"It's free, libre ang serbisyo ko. Just use me." Putol niya sa akin.

Kumunot ang nuo ko.

"Ano bang mapapala mo dito? Bakit parang ipinipilit mo na gamitin kita? Di ba dapat galit ka kasi idinawit kita sa problema ko?" tanong ko sa kanya.

He blinked.

"L-Let's just say na naawa ako sayo kaya tutulungan kita. " aniya at parang may sumampal sa akin dahil sa ginamit niyang salita.

Naaawa?

Matalim ko siyang tiningnan para ipakitang kaya ko ang sarili ko.

"Hindi ko kailangan ng awa mo! " sigaw ko sa kanya. "Ayoko na ng tulong mo! Aayusin ko to bukas na bukas!"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Inirapan ko siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

Muntik ko pang makabangga si Lyra na papalabas. Mukhang ngayon pa lang sila uuwi ni Manang Lorna.

Hindi ko na siya pinansin at agad ng tinungo ang hagdan para umakyat sa kwarto ko. Nagkulong ako duon at tahimik na umiyak.

Nakakaawa ba talaga ako? Sabagay, mag-isa na lang ako, wala na akong pamilya. May nanay nga ako pero hindi ko naman alam kung nasaan. Niloko at pinagtaksilan ako ng lalaking akala ko aalagan at mamahalin ako ng totoo.

Boring din daw ako, walang makakatagal. I'm not special kaya madaling palitan.

At heto, iyakin pa. Kawawa ng ako...

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now