Chapter 15

3.4K 81 7
                                    

PERSEPHONE











"Merry Christmas, Dad." I greeted him while caressing his name on his tombstone.

In Loving Memory of Nigel Yousef P. De Guzman.

I bit my lip when i slowly felt my emotions coming out. Gusto ko siyang yakapin pero hindi na pwede.

"I-I miss you..." Hikbi ko. "Sana nandito ka, Dad. A-Ang hirap kasi...wala na akong mapagsumbungan. Wala na ang superhero ko."

Naramdaman ko ang paglapit ni Avo sa likod ko at ang pag-haplos niya duon para kalmahin ako.

Suminghap ako at nagpunas ng luha na larang hindi nauubos.

Naupo ako sa harap ng puntod niya at kinuwento sa kanya ang ilang mga bagay na nagyari sa akin.

"Plano mo ba to Dad ha? Plano mo bang paglapitin kami ng bwiset na to kaya sa kanya mo ako ibinilin? Ano yun? Nag-ala kupido ka?"

I smiled sadly. "S-Sorry kung hindi ako nakinig sayo tungkol kay Darren. Sorry kung nagpaloko ako sa gagong yun. Siguro kinakahiya mo ako ngayon Dad no?"

Sinulyapan ko si Avo nang inihilig niya ang ulo sa balikat ko.

"Daddy, si Avo...boyfriend ko na. Multuhin mo to kapag niloko ako ha?"

Ipinulupot ni Avo ang mga braso sa baywang ko.

"Tito, don't worry, aalagaan ko to. " aniya kaya napangiti ako. "Pati yung request mo gagawin ko rin. I will give you a lot of grandchildren, isang team di ba? "

Nalaglag ang panga ko.

What the hell?! Anong grandchildren? At shit lang, isang team?!

"I will give Persephone a big family. " dagdag pa niya.

Kinurot ko ang braso niya na ikinahalakhak niya.

"Tumigil ka, Avo!" Namumulang singhal ko.

God! Kailan lang naging kami tapos may ganito ng usapan?

Halos isang oras kaming nanatili duon bago namin mapagpasyahan na umalis na para magtungo sa mall.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Avo at akmang papasok na ako sa sasakyan nang bigla akong mapatili dahil sa magkakasunod na putok ng baril.

Avo cursed loudly and pushed me inside his car. Isinarado niya ang pinto at nakita ko na lang na nakikipagpalitan siya ng putok.

My tears fell. Bumalik sa akin ang alaala nung gabing may pumasok sa bahay namin na mga armadong lalaki.

Tili ako ng tili habang nasa loob ng sasakyan. Napayuko ako nang may tumamang bala sa sasakyan.

Oh my god!

"A-Avo!" sigaw ko kasabay ng pag-aalala para sa kanya.

Napatingin ako kay Avo nang pumasok siya sa loob ng kotse. My mouth parted and my tears fell more when i saw a lot of blood coming from his chest.

Humihingal siya at napapangiwi sa sobrang sakit.

"Avo!" nahihintakutang sigaw ko at natatarantang nilagyan ng pressure ang tama niya.

"Oh my god! Oh my! "

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobra na akong natataranta sa pinaghalong takot, kaba at pag-aalala.

"Oh my god! D-Don't closed your eyes, Avo!" Sigaw ko.

Napapangiwi niyang hinawakan ang kamay kong nasa dibdib niya bago siya hirap na nagsalita.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now