Chapter 23

3.3K 97 13
                                    

PERSEPHONE











"Kumusta ka na, Miss Trajano?" Tanong ko nang makasalubong ko siya sa hallway.

Huminto siya mula sa paglalakad habang dala ang ang isang box na naglalaman ng mga gamit niya at malamig akong tinapunan ng tingin.

"Masaya ka siguro ngayon dahil naging miserable ang buhay ko." Aniya na ikinaawang ng bibig ko.

"Hindi ako pinalaking ganon ng Daddy ko, Miss Trajano." Malumanay kong sagot sa kanya. "He taught me a lot of things even though he's busy with his work. Tinuruan niya akong makisimpatya sa taong alam kong may pinagdadaanan, hindi ko ikakaangat ang kalungkutan ng iba." Sabi ko at nagbuntong hininga.

"I'm sorry if I made you feel that way, gusto lang talaga kitang kumustahin." Paghingi ko ng pasensya." Mauna na ako, and I'll be hoping to work with you again in the future."

Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na sa paglalakad nang magsalita siya.

"Nakakainggit ka." Aniya kaya natigilan ako. Nilingon ko siya at nakita ko ang pang-gigilid ng mga luha niya.

"M-Mahal na mahal ka ng nobyo mo."

Lumunok ako at bahagyang ngumiti.

"Don't be envious of me, Miss Trajano. I'm sure mahahanap mo rin ang para sayo. " sabi ko.

Ngumiti siya at napailing sa akin." Mabait ka rin no? Kase kung ako ang nasa posisyon mo baka kanina pa kita pinahiya."

Ngumiti ako sa kanya." Mabait naman talaga ako, ikaw lang naman tong nang-aaway sa akin."

Natawa siya nang sabihin ko iyon." I'll try my best to change my attitude then. But for the meantime, hahanapin ko muna ang sarili ko. Ang laki ng kasalanang nagawa ko e."

Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. Sana mahanap niya ang sarili niya, sana magawa niyang mapatawad ang sarili niya pagdating ng tamang panahon dahil lahat naman ng tao nagkakamali.

"Hay kapagod! Buti na lang at tapos na ang exams! Sana makapasa ang mga estudyante ko!" Ani Liz habang palabas kami ng gate.

"Ay wala ka pang sundo?" Tanong niya habang lumilinga sa mga nakaparadang sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text ba si Avo.

"On the way na daw siya--"

Natigil ako sa pagsasalita nang may humintong van sa harap namin at bigla na lang may lumabas na mga lalaki na nakabonnet.

Agad akong inatake ng kaba. Napasinghap ako nang bigla na lang nila akong hinawakan sa mga braso at sapilitang ipinasok sa loob.

"Bitawa--argh!" Daing ko nang sikmuraan ako ng isa.

"Oh my God! Seph!" Narinig kong sigaw ni Liz. "

She tried to help me but I shook my head to stop her. Ayokong pati siya masaktaan ng mga 'to.

Mabilis na umandar ang sasakyan nang maisakay na nila ako. Isang sampal ang dumapo sa mukha ko nang sinubukan kong magwala.

"Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko at malakas na napadaing nang muli akong sampalin ng isang lalaki.

"Tumahimik ka kung ayaw mong dito pa lang itumba na kita!"

Napaiyak na lang ako nang itutok niya sa sintido ko ang isang baril.

Oh god. Sino ba ang mga taong 'to? Ano bang kailangan nila sa akin?

Dinala nila ako sa isang lumang warehouse. Pilit akong kumakawala sa mga hawak nila habang kinakaladkad nila ako papasok.

Shorty, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon