Chapter 19

3.3K 95 12
                                    


WARNING: MATURED CONTENT!!!.
May contain sensitive topics, matured scenes, violence, strong languages, vulgar words. Read at your own risk.

PERSEPHONE








"Sure ka bang mapagkakatiwalaan yang si Vice? " tanong ko kay Avo habang papunta kami sa bahay ng Bise-Presidente.

He chuckled and kissed my temple. "Hundred percent, hindi siya katulad nung mga gagong nasa listahan. "

Inirapan ko siya. "Siguraduhin mo lang. Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Daddy."

Ngumisi si Avo at iginiya ang ulo ko para sumandal sa balikat niya.

Kinurot ko ang tagiliran niya nang maramdaman ang paghaplos ng kamay niya sa hita ko na natatabunan ng palda ng suot kong dress.

Bwiset na to! Hindi na nahiya sa agent niya na driver namin para sa araw na to dahil tinatamad daw magdrive tong si Avo.

"Umayos ka, Avo. " sabi ko sa kanya na ikinatigil niya. Ang kamay na kanina'y humahaplos ngayon ay ipinatong na lang niya sa hita ko.

Sinalubong kami ng isang lalaki nang makarating kami sa bahay ni Vice. Sinabi niyang nasa opisina ito at kanina pa kami hinihintay.

Sumunod kami sa kanya, kumatok siya sa isang magarang pinto at pumasok sa loob. Naiwan kami ni Avo sa labas, pagkatapos ng ilang sandali ay bumukas ang pinto at pinapasok na niya kami.

Napalunok ako nang makapasok sa loob. Vice President Edward Silverio is sitting comfortably in his chair, he stood up when he saw us.

Lumapit siya kay Avo at nakipagkamay pagkatapos ay binalingan ako.

"You must be Persephone? " tanong nito na ikinagulat ko.

He chuckled when he saw my reaction. "I know you, Hija. Madalas kang mabanggit ni General De Guzman kaya alam kong ikaw ang anak niya. "

Nilahad nito ang kamay kaya agad ko iyong inabot at marahang nakipagkamay.

"Bukambibig ka niya,  everytime na aayain ko siyang uminom he would always say na 'hindi pwede Vice, my daughter is waiting for me.'. That man, kahit kailan hindi ako pinagbigyan. " iling ni Vice habang bakas ang pagkalungkot.

My heart swelled. Ako ang palaging iniisip ni Dad, napakaswerte ko dahil siya ang naging ama ko. He's very responsible that's why i salute him. Bihira na lang kasi ang lalaking responsable sa panahon ngayon.

Pinaupo kami ni Vice. Avo do the talking, madalas ay hindi ko sila masundan. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong bagay. Never kasing dinala ni Dad ang trabaho sa bahay, sa tuwing uuwi siya sa bahay ay siya na ang tatay ko at hindi ang General na kilala ng halos lahat.

Never niyang binuksan sa harap ko ang mga bagay na may kinalaman sa trabaho niya. Kaya hirap akong sundan ang pinag-uusapan nila.

Basta ang naintindihan ko lang sa lahat ng pinag-usapan nila ay ang gagawing pagsasampa ng kaso sa mga taong nasa listahan.

"This will be easy, kahit tumanggi pa sila wala na silang kawala. General De Guzman did a very good job, wala na silang lusot dito. Malilinis na rin ang maduming mundo ng pulitika dahil sa mga walang kwentang tao na ito. " ani Vice.

Lakas loob akong nagsalita dahil nakukulangan ako. "May chance po ba na malaman ko kung sino sa mga yan ang nasa likod ng nangyari kay Daddy? "

Napatingin sila sa akin.

"Hindi mo pa sinasabi sa kanya?. " kunot nuong tanong ni Vice kay Avo kaya agad akong bumaling kay Avo na nagbuntong hininga.

Anong ibig niyang sabihin? Kilala na ba ni Avo kung sino ang demonyong nag-utos sa mga pesteng lalaki na iyon?

Shorty, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon