Chapter 5

3.1K 96 17
                                    

PERSEPHONE















Tinatamad akong nag-ayos para sa pagpasok ko sa school. Ayokong pumasok pero ayoko rin namang magmukmok lang dito sa kwarto ko.

Pagod na pagod na akong umiyak. Ayoko na, wala na din namang mangyayari kung mag-iiiyak lang ako.

Hindi naman mababago non ang katotohanan na wala na kami dahil pinagtaksilan niya ako dahil lang sa natukso daw siya kuno at naglabas lang ng init ng katawan.

Hayop siya, magsama silang dalawa ni Cherry pareho silang baboy!. Malitson sana silang dalawa dahil sa init na sinasabi niya!.

Nang maisuot ko ang panibago kong uniforme ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para makapag-almusal.

Nanduon na si Avo at nagkakape na habang nakatayo sa may gilid niya si Lyra at may kung anong sinasabi habang malaki ang ngiti.

Natigil lang siya sa pagsasalita nang makita ang pagpasok ko sa dining.

"Papasok ka?. " nakakunot ang nuong tanong ni Avo habang pinapasadahan ako ng tingin.

Bigla kong naalala yung mga kabaliwang pinaggagawa at pinagsasabi ko kagabi. Oo, naaalala ko, hindi naman kasi ako sobrang lasing. May natitira pa namang katinuan sa utak ko non, yun nga lang inatake ako ng kabaliwan.

At dahil sa kabaliwan kong iyon baka umarte na lang akong walang maalala. Bigla kasi akong nahiya sa gurang na 'to.

"Yeah. " simple kong sagot.

"Kaya mo ba? Hindi ba masakit ang ulo mo? Wala ka bang hang-over?. " he asked.

"Kaya ko naman. " sabi ko at nagpasalamat kay Manang Lorna nang bigyan niya ako ng kape. 

Nag-iwas ako ng tingin kay Avo nang makita ko ang mariin niyang pagtitig sa akin. Oh my god, h'wag naman sana niyang buksan yung mga nangyari kagabi.

Itinuon ko ang mga mata sa mga nakahaing pagkain sa lamesa. Napairap ako nang makita ang tocino at porkchop na nasa lamesa.

"Manang, pwedeng h'wag muna kayong magluluto ng baboy? Isda na lang po o manok o kahit gulay po basta ayoko muna ng baboy. " sabi ko kay Manang na agad tumango sa akin.

"Bakit naman?. " napatingin ako kay Lyra nang magtanong siya. "Kung ayaw mo ng baboy pwede namang hindi mo kainin, para naman kay Sir Avo yan." Wika niya na agad namang inawat ni Manang Lorna.

Tatarayan ko na sana nang maunahan ako ni Avo sa pagsasalita.

"Just follow her. " anito na ikinatahimik ni Lyra. "

Humingi ng pasensya sa akin si Manang Lorna bago hinila patungo sa kusina ang pakealamerang anak.

Nabubwiset ako ke-aga-aga!. Gusto yatang masampolan ng isa!.

"Anong magagawa niya, sa ayokong kumain ng baboy ngayon eh?. " bulong ko at umabot ng isang pandesal.

"Bakit ka naglasing kagabi?. "

Bigla akong mabulunan dahil sa biglaang pagtatanong ni Avo. Inabot ko ang kape at dahan dahang sumimsim duon.

Isa pa tong bwiset na to! Kung kailan ako kumakain saka biglang nagtatanong!.

"G-Gusto ko lang. " irap ko sa kanya.

Ayokong ipaalam sa kanya ang nangyari. Ayokong pagtawanan niya ako. Bwiset pa naman siya at mapang-asar.

Baka maibaon ko siya lupa ng di oras.

Tumikhim ako nang titigan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa dahilan ko.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now