Chapter 18

3.3K 98 19
                                    

PERSEPHONE














Masama ang tingin ni Lyra sa akin nang makita niyang sabay kaming bumaba ni Avo. Hindi ko siya pinansin at tinungo na agad ang dining area dahil kanina pa nagwawala ang tiyan ko sa sobrang gutom.

Feeling ko nga kinakain na ng malaki kong bituka ang small intestine ko sa sobrang gutom na nararamdaman ko.

Si Avo naman kasi, ang landi landi! Pati ba naman sa banyo nilandi ako ng gurang na yon!

I never thought na higit pa sa isang beses naming gagawin iyon. Akala ko sapat na ang isa pero ang gurang na iyon sinulit masyado! Ako namang si Marupok, sarap na sarap. Peste!

Inirapan ko si Avo nang ipaghila niya ako ng upuan. Alam kong sinabi ko dati na hindi ko na siya susungitan pero hindi ko mapigilan e. Nahihighblood ako, parte na yata iyon ng pagkatao ko!

Sorry po Lord...

At isa pa, kunwari lang naman itong sungit sungitan ko. Need ko lang gawin ito dahil baka lumpuhin na talaga ako ng gurang na ito kapag hindi ako nagsungit at hinayaan na lang siya.

My mouth watered when I saw the foods. Agad akong kumuha ng kanin at sumandok ng sinigang na hipon.

Kumuha pa ako ng isang mangkok at ipinagsandok din si Avo na ikinangiti ng loko.

Tss, pasalamat siya mahal ko siya.

Pagkatapos kong ibigay sa kanya iyon ay nagsimula na akong kumain. Gutom na gutom ako, sabagay sinong hindi magugutom kung halos ubusin ni Avo ang lakas ko.

Ilang beses nga ba niya akong kinalabit kagabi? Napailing na lang ako, ayoko na palang alalahanin.

Napatingin sa akin si Avo nang kumuha ako ng isang embutido. Kumunot ang nuo ko ng ngumisi siya.

Ano kayang iniisip ng gurang na to?

I rolled my eyes. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pumasok si Manang Lorna at inilapag sa lamesa ang isang pitcher na may lamang juice.

"Manang pakilinis na lang po ng kwarto ko at yung kay Persephone."  Utos ni Avo dito habang binubutinting yung hipon.

"Sige Sir. " sagot ni Manang Lorna. "Papalitan ko rin ang beddings para malabhan--. "

"H'wag po!" sigaw ko na dahilan para mapatingin sila sa akin.

Bigla akong nahiya dahil sa ginawa kong pagsigaw. Hindi ko naman sinasadya e, naalala ko lang yung bed sheet ni Avo. I saw it earlier and it has a blood stains.

Baka isipin pa ni Manang na nireregla si Avo at natagusan. Parang gusto kong matawa kung iyon nga ang maiisip niya pero kung hindi, nakakahiya.

Sinipa ko ang tuhod ni Avo mula sa ilalim ng lamesa. Kumunot ang nuo niya na parang hindi ako maintindihan.

"Ayaw mong ipalinis ang kwarto mo, hija? " tanong ni Manang.

Nagkamot ako ng ulo. Hindi naman yung kwarto ko ang problema e.

"H-Hindi naman po sa ganoon, Manang. " sabi ko at napakamot naman sa kilay.

"A-Ano po kasi e, m-may mens po ako. N-Natagusan po yung bedsheet ko kaya ako na lang po ang maglalaba. " hiyang hiya kong sabi na ikinaubo ni Avo.

"Ayos lang iyon, hija. Natural lang sa babae iyon. "

Mas naubo si Avo. Siguro ngayon alam na niya ang gusto kong iparating sa kanya.

"M-Manang, bukas na lang pala kayo maglinis. M-Mag-groceries na lang pala kayo ngayon, m-may mga ipapabili ako. " nauutal na sabi ni Avo.

Naguguluhan man ay tumango na si Manang Lorna. Nang makaalis si Manang Lorna ay sabay kaming nagbuga ng hangin ni Avo.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now