Chapter 20

3.5K 94 8
                                    

PERSEPHONE













"Dito na ba?" tanong ko kay Avo habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap namin.

Tumango siya kasabay ng paghaplos sa likod ko. Nilingon ko ang mga kasama namin. May kasama kaming apat na pulis kabilang si Tito Lorcan, sila ang magseserved ng warrant of arrest sa babaeng iyon. Kasama din namin si Tres na tumatayong abogado namin.

"Let's get this done!" sabi ni Tito Lorcan at nagdoorbell na.

Ilang sandali lang ay may dumating na dalawang naka-unipormeng kasambahay. Tahimik lang ako habang nakamasid kila Tito Lorcan na siyang nakikipag-usap.

"Kaya mo ba?" tanong ni Avo sa gilid ko.

Tumango ako. "Yes, para kay Daddy to. "

Dahil sa warrant na hawak nila Tito Lorcan ay pinapasok kami ng dalawang kasambahay.

Nasa harap pa lang kami ng front door ay rinig na rinig na namin ang malakas na tawanan na nanggagaling mula sa loob ng bahay.

I clenched my fist in anger. Huminga ako ng malalim at agad na sumunod kay Tito Lorcan nang pagbuksan kami ng kasambahay.

Natigil ang tawanan nang mapatingin sila sa amin. Kung bibilangin ay nasa sampu ang mga taong nanduon.

Nagtaas ako ng kilay. Mukhang bonding time nila ng mga amiga niya. Looks like they're having a tea party.

Wow na lang...

"Who are these people, Linda?"

Agad na lumipad ang tingin ko sa nagsalita. And there i saw, Charito Pengson. Sopistikadang tumayo mula sa sofa at taas noo kaming hinarap bago sinulyapan ang kasambahay na nagpapasok sa amin.

Bago pa makasagot ang kahit na sino ay nagpakita ako sa kanya. Dumapo sa akin ang mga mata niya, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagtaas ng kilay.

"Who are you?" she asked with a poise.

Nang hindi ako sumagot ay madrama niyang inikot ang mga mata. "Linda,  next time don't let strangers--"

"My name is Persephone De Guzman. " pagpapakilala ko na pumutol sa pagsasalita niya. "I'm the daughter of Nigel Yousef De Guzman. " dagdag ko pa at halos maging sing puti siya ng papel dahil sa biglaang pamumutla.

I guess she knows me now.

"L-Linda, throw them out!." pasigaw niyang utos sa kasambahay.

Ang kaninang beauty queen na punong puno ng poise ay biglang nabuwag. Para siyang daga na nakakita ng pusa.

"Who are they, Charito?" tanong ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay dati ring beauty queen.

"I-I don't know--"

"Hindi mo po ba talaga alam o nagtatanga tangahan lang po kayo? " tanong ko na ikinasinghap niya at ng mga amiga niya.

"How dare you talk--"

"Ay pasensya na po. Nasapul po ba kayo?" sarkastiko kong tanong bago sumeryoso.

"Ano bang ginawa namin ni Daddy para ipapatay mo kami ha?" tanong ko na pilit kinakalma ang sarili para hindi siya tuluyang saktan.

Narinig ko ang muling pagsisinghapan ng mga amiga niya na pinanonood kami.

"W-What are you talking about? K-Kung nababaliw ka na pwes duon ka sa mental at h'wag mo akong idamay-- "

"Really? H'wag idamay? For your information nananahimik kami ng Daddy ko. Masaya kami sa buhay namin pero anong ginawa mo?!" tanong ko na tumataas na ang boses.

Shorty, Be MineWhere stories live. Discover now