Prologue

269 6 0
                                    


“Bakit ba ninyo ginawa ito sa akin?!” Tanong niya.

“Dahil may kailangan kang harapin dito! Hindi mo maaaring pagtaguan ang responsibilidad mo!” Sabi ng kanyang ama.

“Ano ba ang pinagsasabi mo Dad? Nagugulohan ako sa inyo!”

“Alam mo Zac, magpasalamat ka at hindi eskandalosa si Carmella, kapag nagkataon kahihiyan ang inabot natin!” wika ng kanyang ina.

“So, it’s all about her?!”

“Yeah! Bakit mo siya iniwan ng hindi nagpapaalam? Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagawa mo ha?!” galit parin ang kanyang ama.

“Bakit naman ako mahihiya wala naman akong ginagawang masama?”

“Ano sa tingin mo sa ginawa mo?! Tama ba ang umalis kang hindi nagpaalam? Ang magtago huh?!”

“Dad, ayaw ko malagay sa kahihiyan ang pangalan natin!”

“At ano sa tingin mo, hindi ba kahihiyan itong ginawa mo ha?!”

“Ano ba ang nakakahiya sa ginawa ko Dad? Magpasalamat pa nga dapat kayo sa akin.”

“At ano naman ang ipagpapasalamat namin sayo, aber?!”

“That I saved our name!”

“Ano?!”

“Dad, hindi ba mas nakakahiya kapag nalaman ng lahat na ang napangasawa ko ay anak ng isang dating prostitute? Gusto niyo bang maging manugang ang anak ng isang pokpok?” walang bikig sa lalamunan wika ni Zac.

Nakuyom ni Mr. Saranilla ang kamao nito at inundayan siya ng suntok!

Sapol sa panga si Zac.

“Huwag na huwag kang mang-iinsulto ng kahit sino o husgahan ang pagkatao ng kahit sino lalo na ang mga pokpok dahil kung wala ang mga katulad nila wala tayong dalawa sa mundong ito!” Galit na wika ng kanyang ama.

“Zeus, that’s enough,” pigil ni Zenaida sa kanyang asawa.

“No! Ipapamukha ko lamang sa anak mo kung ano ang pinagmulan niya!” Singhal nito.

“Anong ibig mong sabihin Dad?”

“Alam mo kung ano lang ang pinagkaiba mo kay Carmella? ‘Yong siya ay anak ng pokpok habang ikaw ay isang apo ng katulad ng kanyang ina! Kaya sa pang-insulto mo sa kanya para mo na rin ininsulto ang aking ina?!”

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig kaya tiningnan niya ang kanyang abuela.

“Grandma, I’m sorry…” bigkas niya pero hindi nagsalita ang kanyang abuela.

“Ngayon, pakakasalan mo si Carmella sa ayaw mo’t sa gusto!” matigas parin wika ni Zeus.

“Hijo, buntis siya,” saad naman ng kanyang ina.

“Bu– buntis? Totoo po ba ang sinasabi mo Mom?” Tanong niya dahil hindi siya makapaniwala.

Tumango ang kanyang ina.

“Ngayon Zac, hindi ba malaking kahihiyan kapag nalaman ng lahat na tinakbuhan at pinabayaan mo ang babaeng nabuntis mo? Nagpapasalamat ako sa Diyos, na hindi eskandalosa si Carmella.”

Hindi na alam ni Zac kung ano ang kanyang sasabihin, hindi niya alam kung ano ang dapat gagawin dahil alam niya at sigurado siyang galit si Carmella.

“Kung hindi mo siya pananagutan itatakwil kita! Wala kang makukuha kahit singkong duling! Ang lahat ng mamanahin mo ay mapupunta sa anak mo!” Banta ng kanyang ama atsaka nag-walk out.

Ano kaya ang mangyayari sa pag babalik niya sa buhay ni Carmella?

Mapapatawad pa ba siya nito o hindi na dahil sa maling nagawa nya.



Abangan ang kwento ni Zac at Carmella...

All Romance StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon