A Perfect Mistake

17 4 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN

AFTER FIVE YEARS

MATULIN lumipas ang mga taon.  Kakalapag lamang ng eroplanong sinasakyan ni Manuel sa NAIA.  Naging normal na sa kanya ang ganitong scenario sa loob ng limang taon.  Every weekend ay lumuluwas siya ng Manila para makasama ang kanyang mag-ina.  Lunes ng madaling araw ay humahabol siya ng first flight pabalik ng Iloilo. 

Natuloy ang pag-alis ni Yza,  limang taon na ang nakalipas.  Ipinagpatuloy ng dalaga ang pag-aaral at nagtapos siya sa kursong business management. Kasalukuyan pinamamahalaan ang restaurant na pinatayo niya,gamit ang pera minana niya sa kanyang mga magulang. Ang dating carinderia ni Aling Lucing ay naging restaurant na,  magkatuwang sina Yza at April sa pagpapatakbo ng nasabing resto.

Nasa labas ng airport ay pumara ng taxi si Manuel. Nagpahatid doon sa Makati Square condominium,  kung saan nakatira ang kanyang mag-ina.

Nasa tapat na siya ng pinto ng condo unit ay hindi na siya nag-abala na mag doorbell.  Ginamit niya na lamang ang sariling access card para mabuksan niya ang dahon ng pinto. 

Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv.  Nadatnan niya si Emman na nanonood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya.Maingat niyang sinara niya ang dahon ng pinto sa ganun hindi siya makalikha ng ingay.  Pagkatapos ay hinakbang niya Ang kanyang mga paa patungo roon sa console,  kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv.

Gumuhit ang inis sa mukha ni Emman,  halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak.  Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character.

Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa hitsura ni Emman. Napalitan ng pananabik.

“Hey,  son.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel.

“Daddy!”Basta na lang tumalon si Emman mula sa sofa na inuupuan  nito,  patakbo ng sinugod ng yakap ang ama.

Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak,  sa ganun pasalubong ng mga bisig niya ang  mga mumunting braso at yakap ni Emman.

“Careful,  boy.” Natatawa sabi ni Manuel,  basta na lang pumolopot ang medyo may kahabaan at patpatin mga braso ni Emman sa kanyang leeg.

“I miss you,  Daddy.” Paglalambing turan ng bata. Hinigpitan ang pagka yakap sa leeg ni Manuel.

“Nasasakal na ako,  eh.” Kunwari reklamo niya. “Daddy's miss you so much,  son.” Bahagya niya nilayo si Emman mula sa pagyakap nito sa kanya.  Atsaka pinogpog ng halik ito. Hindi pa siya na kuntento ay kiniliti pa niya ang kanyang anak. Panay naman ang pag-iilag ginagawa ni Emman.

“Daddy,  stopped it,” natatawa na turan ni Emman na pilit umiiwas sa pagkikiliti ni Manuel.

“Where is your Mommy?” Mayamaya tanong niya,  nilibot ang kanyang paningin dito sa kabuuan ng sala.

Komonot ang noo ni Emman. “Mommy where are you?” Tawag nito sa ina sa medyo may kalakasan ang  boses.

“I'm here at the kitchen baby.” Sagot naman ni Yza mula sa kusina ang boses nito.

“Mommy,  miss ka raw ni Daddy.” Sigaw ni Emman.

“Kitchen daw,  Dad.”Baling ni Emman sa ama nito.

“Puntahan ko muna si Mommy mo,” aniya na hinakbang ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina.

KASALUKUYAN nagbe-bake ng cake si Yza.  Insaktong tumunog ang timer. Binuksan niya ang takip ng oven upang kunin ang chocolate cake.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now