Chapter 8

18 4 1
                                    

"Ganda natin ngayon ah!" natigilan siya sa biglang pagpasok ng kaibigan sa kwarto niya.

"Di ka na nasanay!" biro niyang itinuloy ang pagaayos sa kanyang mukha.

"Hmp!!! Birthday mo?" ingos nito na bahagya siyang inirapan bago umupo sa tabi niya sa harap ng kanyang dresser.

Nilingon niya itong nakangisi na tila nang-aasar.

"Akala ko magkaibigan tayo bakit-..."

"Ang ganda mo lalo sa suot mo!" putol niyang ikinangiti nito.

"Akala ko di mo ibabalik ang pag puri ko!" maktol nitong ikinatawa nilang dalawa.

Maganda naman talaga si Ella. Kahit na medyo chubby ito ng konti at morena. She looks great sa suot nitong black gown with slit on the side. Mukha itong pumayat ng konti kasi wala naman itong mga bilbil, bilugan lang talaga ang katawan nito.

Mas marami pa nga itong manliligaw kaysa sa kanya. Di niya kasi iniintindi ang mga lalaki. May mga nagbalak ngunit di pa nagsisimula ay mga basted na agad sa kanya.

Nakafocus lang kasi ang atensiyon niya siya sa company nila and her urge to move on with the pain she had been through for a decade because of love.

She's wearing a simple silky gown with some beads on the side and a slight criss cross string at the back. She looks stunning with her light make up. Bihira siyang maglagay ng kolorete sa mukha at katawan. Most of the time no make up mode siya. Light lipstick at konting face powder lang ang arte niya sa mukha kapag may mga meeting siya outside the company. Ang outfit niya ay laging semi formal. Mostly blazer with a pants or long skirt. Match with a stud earrings on her ears, a small cross pendant necklace and a seiko watch on her wrist.

"Si Tita nasaan na?" usisa niya sa katabi bago siya tumayo para isuot ang kanyang sandals with heels na mas lalong nagpatangkad sa kanyang tignan.

"Nasa bahay pa siya kanina preparing ng tawagan ko. Kaya dapat mauna na tayo sa events place para di siya makatunog!" anitong tumayo na din at umikot pa sa harap ng salamin.

Pinasadahan niya din ng tingin ang kanyang sarili sa salamin at ng makontento siya sa hitsura niya ay sumunod na siya kay Ella na nauna ng lumabas ng kwarto niya. Sa condo sila umuuwi sa nakalipas na tatlong araw. To fix the whole thing about the surprise birthday party.

Mula ng umuwi sila ni Ella mula sa probinsiya after ng ground breaking ng itatayong factory ay inumpisahan na nilang asikasuhin ang mga detalye sa nalalapit na kaarawan ni Mrs. Tanico. Kahit busy sila sa office ay naglaan talaga siya ng oras, pati ang kaibigang si Ella para ayusin ang mga detalye tungkol sa party.

Ininvite niya ang mga malalapit nitong kaibigan na alam niyang di na nito madalas makasama. Ayon dito'y wala na itong mga malapit na kamag-anak. Solong anak lang ito ng mga magulang na di na nito matandaan dahil maaga din itong naulila. Laki ito sa pangangalaga ng lolo at lola sa side ng nanay, pero pagkatapos nito ng college ay namatay na din ang mga ito. Namuhay itong mag-isa habang inaasikaso ang mga kabuhayang naiwan dito. Hanggang sa nakilala nito at pinakasalan ang lalaking naging sanhi rin ng kalungkutan nito.

Para mas mapasaya niya ang birthday celebrant nagrent pa siya ng banda dahil alam niyang mahilig sa acoustic music ang ginang. Nung malakas pa ito'y pumupunta talaga ito everytime she was invited maging judge ng mga singing contest na inisponsoran nito. Her Tita was a frustrated singer and a certified music lover. All her life na kasama niya ito ay tanging musika lang ang nagpaparelax at nagpapakalma dito sa lahat ng oras.

She loves music too but music doesn't love her.

She get herself busy preparing for it. To get away from Ino's memories even just for awhile. Dahil sa mga bulaklak na natatanggap niya the whole month isang tao lang ang alam niyang may pakana nito. The reason why hindi niya maiwasang mag-isip kung anong pakay nito sa ginagawa.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now