Faithful Heart

9 3 0
                                    

Chapter 8

MATULIN na lumipas ang mga araw…

"RALF, I need to see my OB tomorrow, wala na rin akong vitamins," lakas loob na sabi ni Jaiz isang umaga. Kaka-alis lamang ng babaeng laging inu-uwi ng lalaki.

"Hoy! Huwag kang nag-iinarte, see your OB o si bakla? Wala akong pakialam kung wala ka nang vitamins! Problema mo na iyan!" Bulyaw ni Ralf. Bahagyang napaigtad si Jaiz.

"Napakawalang kuwenta mong tao! Inanak-anakan mo ako, hindi mo naman pala kayang panindigan!"

"Ginusto mo naman ah!"

"Huh?! Sigurado ka? Hindi ba ninakaw mo lang ang pagkababae ko?! Kapag may mangyari sa anak ko, I swear Ralf! I swear!"

"You swear what?!"

"You'll see! Tandaan mo iyan!" Tinalikuran na niya ang lalaki. Babalik na sana siya sa kanyang kwarto subalit nagsalita ito.

"And where do you think you're going? Maglinis ka, iyong kwarto ko linisin mo, palitan mo ang bedsheets!"

"Bakit ako? Ipalinis mo roon sa babae mo!"

"Hoy! Pinapalamon kita rito, kaya magtrabaho ka!"

"Aray! Ralf ano ba? Nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka! Ano, susunod ka sa sinasabi ko o hindi?"

"O— oo, lilinisin ko na."

Kaagad siyang umalis sa harapan nito. Kinuha niya ang mga panlinis at nagtungo sa kwarto ng lalaki.

Nasa kalagitnaan na siya ng paglilinis nang bigla siyang sunggaban ni Ralf, kaya napadapa siya sa kama.

Pinilit niyang tumihaya dahil naipit na ang tiyan niya.

"Ralf, ano ba?! Bitiwan mo ako!" Hasik niya sa binata.

Nagpumiglas siya hanggang kaya niya, subalit sa huli ay wala na siyang lakas upang umiwas dahil nanghihina na siya dahil kulang na sa pagkain at mga binataminang kailangan ng katawan niya. Napapikit na lamang siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Puwe! Nakakawalang gana ka! Di bale na!" Anas ni Ralf kaya napamulat siya.

"Ang sagwa mong pagmasdan, nakakawalang gana! Tapusin mo na ang paglilinis mo, pagkatapos maligo ka bago ka magluto!"

Inayos ni Jaiz ang sarili, at ipinagpatuloy ang ginagawa habang patuloy sa pagmalisbis ang kanyang mga luha.

DAVE POV:

IGINALA ni Dave ang paningin sa paligid ng simbahan. Pagkatapos ay pinikit nito ang kanyang mga mata nang bigla na lamang nabuo sa mahinasyon nito si Jaiz na payat na payat at tila hirap na hirap na humihingi ng tulong kaya mabilis na nagmulat. Namulatan niya ang isang batang pulubi na iginayagaya ang kamay nito sa kanya.

Dinukot niya ang kanyang wallet at binigyan ng pera ang bata.

"Ibili mo ng pagkain mo iyan ha?" Malumanay niyang sabi rito.

"Opo, maraming salamat po," sagot ng bata, at hinawakan pa siya sa braso atsaka nginitian bago umalis.

"Dave, hindi ka ba talaga sasama sa amin?" Wika ni Friah buhat sa likuran.

"Hindi na, uuwi na ako sa condo ko para makapagpahinga."

"Sige, alam mo naman kung saan kami pupuntahan kung sakaling gusto mo ng kausap."

Tumango na lamang ni Dave bilang tugon.

"Sasabay na rin kami, may concert si Brian tonight eh, special reservation ang restobar namin," paalam na rin ni Elena.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now