Faithful Heart

7 2 0
                                    

Chapter 9

LAGING malalim ang iniisip, at hindi na maasikaso ang sarili.

"DAVE, I suggest you take a vacation." Wika ni Friah.

"No need, kahit saan ako magpunta alam kong dadalhin ko parin ang alaala ni Jaiz, hayaan muna ninyo ako, magiging okay rin ako kagaya ng dati."

"Look at yourself, pumayat ka na."

"It's okay. Hindi ko pa naman ikamamatay."

"Ano ba ang buong pangalan ng Ralf na iyon?"

"Fri, I know what's you’re thinking of, please just let me handle this. Ayaw kong madamay kayo, okay?"

"Kasi naawa na ako sayo eh, kilala ba ng kuya mo?"

"Nope! Nakilala ko lang iyon dahil kay Jaiz. I don't know him personally."

"Eh, subukan mo na lang kontakin si Jaiz."

"I tried too many times, but always failed. I also checked her social media account pero hindi ko ma-search. Nag-aalala ako na hindi ko maintindihan. Ngayon ang schedule ng second ultrasound niya.

"Natagpuan ko ang lalaking para sa akin nang dahil sayo, ganoon din kay Elena, baka puwedeng hayaan mong kami naman ay bumawi sayo."

"Fri, hindi ninyo kailangang gawin iyan, isa pa. Kapalaran ang nagdala sa inyo sa kanila, naging tulay lang ako. Nagkataon lamang na tanga ako."

"Huwag mong sabihin iyan, hindi katangahan ang pagmamahal ng totoo."

"Ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang magawa ang magmahal ng iba, kahit napapaligiran ako ng naggagandahan na kabaro ni Eba."

"Malay mo may magandang planong nakalaan para sayo."

"Siguro, pero sana huwag muna ibibigay sa ngayon. Baka makasakit lang ako ng damdamin, ayaw kong gumamit ng iba para lang masabing nakalimot na ako, magiging maayos din ang lahat..."

"Masuwerte ang babaeng mamahalin mo sa darating na panahon... You're such a good man inside and out."

Bahagyang napangiti si Dave.

"Ayan, kahit paano ngumiti ka na."

"Konti. Napangiti lang ako sa sinabi mo."

Napangiti rin si Friah. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagpaalam na si Dave.

"Huwag ka na naman magpakalasing baka kung ano pa mangyari sayo, wala ka pa namang maid man lang sana na kasama."

"I can manage, don't worry..."

Tumango na lamang si Friah.

Iniwan na niya ang kanyang hipag sa opisina nito.

"DOC! Doc Dave!" Tawag ng isang boses lalaki sa kanya. Papasok pa lamang sana siya sa kanyang kotse.

"Yes?"

"Mabuti naman naabutan kita rito."

"Is there's something wrong?"

"I want to invite you, sorry dito na ako nagpunta malapit lang kasi ang pinangyarihan ng shooting namin kaya dumaan na ako."

"Invite? For what?"

"My birthday celebration po, eh naisip ko kasi na bilang pasasalamat lamang sayo."

"Okay, place and date. Marunong naman akong mag-appreciate ng effort."

"Hindi naman po bongga iyon, out with some friends and workmates lang naman po sa BF restobar po, weekend."

"Okay..."

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now