Chapter 1

27 3 0
                                    

"PEEEPP! Peeepp!"

Napapitlag siya at napamura sa biglang pagbusina ng tarantadong driver ng sasakyan sa kanyang likuran.

'Di ba ito marunong bumasa ng traffic signs!' himutok niya.

Pula pa ang kulay ng ilaw ngunit gusto na atang pasibadin ng driver ang kanyang sasakyan sa pagmamadali. Bahagya siyang lumingon at isa pang busina ulit ang ginawa nito ang tuluyang nagpainis sa kanya.

Gusto niyang bumaba at tanungin kong anong problema ng driver na yun pero bago pa siya makagalaw ay umilaw na ng green ang traffic lights.

Bumusina ulit ito kaya pinatakbo na niya ang kanyang sasakyan, baka masapak na niya ang kung sinumang nagmamaneho nun kung tatagal pa sila sa ganung sitwasyon.

One way lang kasi ang kalsada at single car lang ang kasya kaya di ito maka-overtake sa kanya.

Pagliko niya sa kanang kanto ay bahagya siyang huminto para lingunin kung sino ang natataeng driver ng sasakyang kasunuran niya.

Natulala siya ng mapagsino kung sino ang nagmamaneho ng sasakyang yun.

'If ever your in my arms again! This time I hold you forever!'

Natauhan siya ng marinig niya ang ringing tone ng cellphone niya. Agad niyang inabot ang kanyang bag na nasa passenger seat para masagot kung sino mang tumatawag sa kanya.

Unknown number ang nakaregister sa kanyang screen, di siya pamilyar sa numerong yun ngunit sinagot pa rin niya.

"Hello good morning! Who's this?" bati niya agad.

"Hello Ms. Agie! Good morning too! si Angel po ito secretary ni  Mrs. Tanico!"

"Hi Angel! What can I do for you?" friendly niyang tanong.

"Hinahanap na po kayo dito sa event Ms. Agie!" anito.

"Sorry naistock kasi ako sa traffic. Kindly tell her na malapit na ako, please..." apologetic niyang tugon.

"Sure Ms. Agie take care!"

"Thank you!" aniyang agad nang pinasibad ang kanyang sasakyan pagkababa niya ng phone.

Importante ang araw na ito sa kanya. Ito ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Pangarap na binuo nila actually ng taong iniwan siya at di na binalikan.

"Congratulations to our new Manager Ms. Margareth De Villa!" announced ni Mrs. Tanico ang company president nila.

Kasunod nito ang malakas na palakpakan at kabi-kabilaang pagbati mula sa kanyang mga katrabaho.

"Please come here to give us some speech!" nakangiting paanyaya ni Mrs. Tanico sa kanya.

Lumapit siya dito at nakipagbeso-beso. Kinamayan din siya ng ibang boss na kasama nito.

"Congratulations Ms. De Villa!" bati ng mga ito sa kanya na sinuklian niya ng matamis na ngiti at maikling 'salamat'.

"First of all, I wanna say thank you so much for this!" aniyang nakangiting itinaas ang envelop kung saan nakapaloob ang certificate of promotion niya.

After her short message ay tinawag din ang ibang kasabayan niyang napromote. Pagkatapos ng huling nagsalita ay nag-umpisa na ang party para sa kanilang mga bagong promote sa trabaho.

Siya si Margareth De Villa, mas kilala sa tawag na Agie, 28 years old lumaking mag-isa dahil bata pa lang ay naulila na siya sa magulang. Bahay ampunan na ang namulatan niyang tahanan. Ayon kay Aling Sima na kapitbahay nila noon ay nasunugan sila ng bata pa siya at doon namatay ang kanyang mga magulang.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now