Faithful Heart

9 3 0
                                    

Chapter 3


NASUNDAN pa ang paglabas ni Dave ng naimbitahan sa isang event.

"KAPE mo, mukhang naparami yata ang inom mo kagabi," wika ni Jaiz kay Dave kinabukasan. Hinihilot kasi nito ang kanyang sentido dahil bahagyang pananakit dala ng hangover

"Thanks," maikling sagot nang binata sabay dampot ng tasa, at humigop.

"Sino nagbihis sa akin kagabi?" Mayamaya ay tanong niya. At ibinaba ang tasa.

"Ako, may iba pa ba?" Diretsahang sagot ni Jaiz.

Tumayo ang binata, at lumapit dito.

Napaigtad na lamang si Jaiz nang biglang yumakap sa kanyang likuran si Dave.

"Thank you, sorry ha? Medyo nakainom ako kagabi, akala ko tulog ka na nang dumating ako." Bulong niya sa may punong tainga ng dalaga na naghatid naman ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao nito.

Ramdam na ramdam ni Jaiz ang mainit na katawan ni Dave.

Pumihit paraharap dito ang dalaga. Gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi.

Nagtitigan sila, mata sa mata. At walang nais magpatalo.

Hinapit pa ni Dave palapit ng husto ang dalaga.

"Jaiz, I am not a gay. Huwag mo akong titigan ng ganyang kalagkit. Baka hindi ako makapagpigil mahalikan na kita," birong totoo ng binata dahil ang totoo ay nais na niyang papakin ang mamula-mulang labi nito.

"Why don't you try?" Mapang-uyam na saad ni Jaiz.

"Do you really know what you are talking about? Baka ma-in love ka sa akin." Wika nitong lalo pang inilapit sa labi ng dalaga ang kanyang labi.

Amoy na amoy na si Jaiz ang hininga ni Dave.

"To tell you honestly, I need it," saad ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Dave sa sinabi nito. Hindi niya inasahan ang bagay na iyon.

"Jaiz..."

Nginitian lamang siya ng dalaga.

"God, forgive me— But I couldn't help it anymore... I want this woman to be mine..." Sa isip ni Dave.

Napapikit naman si Jaiz nang naramdaman ang pagdampi ng labi ng binata sa kanyang labi.

Unti-unting gumalaw ang mga labi ni Dave.

Ipinulupot ni Jaiz ang kanyang mga braso sa batok ng binata, and she responded to his kisses...

Lumalim nang lumalim ang kanilang halikan. Para bang uhaw na matagal nang pinananabikang matikman ang manamisnamis na bukal ang ginagawa ng halik ni Dave.

"You are now in my arms...." Usal niya sa kalagitnaan ng mainit nilang paghahalikan.

Walang balak tumutol si Jaiz, sa isip ng dalaga ay kung bilang kabayaran ng pakikitira sa binata, at sa mga ginagawang kabutihan dito ang ibigay na rin ang sarili rito ay wala na siyang magagawa. Hindi siya tututol sa kahit anong gusto nitong gawin.

Ang tanging mahalaga rito ay ligtas at malusog sila ng kanyang dinadala.

Ramdam na ramdam na ni Jaiz ang pagkabuhay ng hinaharap ni Dave.

Bumaba ang halik ng binata sa leeg ng dalaga, Naglalakbay na rin ang mga palad nito.

Nagpakawala ng ungol si Jaiz nang naramdaman ang kamay ni Dave sa kanyang dibdib.

Mayamaya ay muling binalikan ng binata ang mga labi nito. pagkatapos binuhat niya ito na hindi pinaghiwalay ang kanilang mga labi.

Ipinasok niya sa kanyang kuwarto na siyang malapit lamang.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now