Fixin' A Broken Heart

21 3 1
                                    

Chapter 2


DALAWANAG gabi nang nagpupunta sa bar si Friah at wala namang magawa si Dave kundi samahan ang kaibigan, and this time ay nasa BF's restobar sila. Ginawang tubig ng dalaga ang alak.

"Bakla tama na 'yan..."

"Sssshhh… La–Lash na 'to promise, ngayong gabi na lang.”

"Siguraduhin mo dahil kung hindi isusumbong na talaga kita.”

"Oo, promise ngayon na lang talaga… 'tsaka uuwi na ako bukas sa mansion.”

"Fine, kung nandito lang si Elena tiyak nasermonan ka na rin 'non.”

"Malapit ng umuwi 'yon para sa preparasyon ng kasal nila. Huwag mo na akong sermoman maghanap ka na lang ng lalaki mo."

"Kilala ko 'yong nasa stage bakla.”

"Sino?"

Matapos magtanong ay tumungga na naman ng alak.

"Si Brian, magkatabi ang unit namin sa America dati hindi ko nga lang naipakilala sayo kasi nga busy ka sa boyfriend mong Amerikano."

"Mamaya ipakilala mo sa akin."

"Sure."

Nagsimulang kumanta ang banda. At nagkataong paboritong kanda ni Friah ang kinakannta ng vocalist. Ang You Make Me Feel.

Nagsimulang umagos ang mga luha ng dalaga.

"Friah naman, pati ba naman kanta, iiyakan mo?"

"That song means so much to me, Paborito ka 'yan eh."

"Sige lubus-lubusin mo na ngayon,  at bukas ay ayaw ko ng makita ang uhog at luha mong dumadaloy. Hay, naku hindi pinag-a-aksayahan ng luha ang ganoong klase ng lalaki Friah, reserve mo na lang para sa magpapa-iyak sayo sa salitang Will you marry me."

"Ayoko na muna Dave,"

"Na naman? Pero kapag may nagustuhan na naman ang puso mo, go na naman?"

"Hindi ko kasi mapigil eh!"

"Ayan na nga eh! Dapat piliin mo na sa susunod!"

"Opo."

Pagkatapos kumanta ng banda ay nagpunas na ng luha si Friah. At tumayo kaagad si Dave.

"Oy, where are you going?"

"Hindi ba nga ipapakilala kita kay Brian? Susunduin ko lang siya."

Tumango na lang ang dalaga.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Dave kasama ang lalaki na ipapakilala nito sa kanya.

"Friah.”

Pero nanatiling nakayuko ang dalaga sa mesa.

"Lasing na yata ang kasama mo. Mabuti naman at nakilala mo pa ako.”

"Kanina pa kasi 'yan, pasensiya ka na, siya si Friah.”

"Friah– Friah Carmela Jacinto. Am I right?"

"Yeah, Sandali at gigisingin ko.”

Tinapik ni Dave sa bakikat ang dalaga.

“Friah–”

"Mmmm… Why, I'm sleeping eh.

"Get up, uuwi na tayo.”

Nag-angat naman ng mukha ang dalaga. Pero nanlalabo ang paningin niya.

"Darwin?!"

Mabilis itong tumayo at nagmadaling umalis mabuti na lang at nahagip ni Dave ang braso nito.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now