A Perfect Mistake

15 4 1
                                    

CHAPTER TEN

“MALIGO muna ako,” paalam ni Manuel na kinindatan pa ang dalaga.

“Sige,  tulungan ko muna sa pagliligpit ng mga pinagkainan si Manang Salod.”

“Sipag naman ng Mrs Sebastian to be ko,” abot hanggang tainga ang ngiti ni Manuel.  Tila walang balak na umalis dito sa dining room.

“Bilis-bilisan na ninyo ng makahigop na ako ng mainit na sabaw,” sabat naman ni Manang Salod na kanina pa nakikinig sa mga pinag-uusapan nila Yza at Manuel. 

“Manang,  magluluto na lang tayo ng batchoy ng makahigop ka ng sabaw,” nakangiti tugon ni Yza.  Sinimulan ng iligpit ang mga kurbertos.

“Sabi ko nga,  magluluto tayo ng batchoy mamaya,” natatawa na rin sabi ni Manang Salod.

“Akyat na muna ako sa kuwarto at ng maligo

na ako,” sabi ni Manuel bago tumalikod at hinakbang ang mga paa paalis dito. Para makapaghanda na rin siya sa pagpasok niya sa opisina.

“Ako na lang dito,  kaunti na lang itong mga plato na iligpit,” Si Manang Salod,  dinala na roon  sa lababo ang mga hugasan plato.

“Tulungan na kita,  Manang.  Exercise ko na rin po ito,” ayaw pa rin paawat ni Yza.

“Sige,  Ikaw ang bahala pero mas maiba kung doon ka sa garden maglakad-lakad ng makalanghap ka ng sariwang hangin.”

“Mamaya po,  kapag nakaalis na si Manuel.”

NANG matapos niya na tulungan si Manang Salod sa mga gawain dito sa kusina.  Lumabas na si Yza ng kusina.

Nakaupo siya sa pang-isahan upuan.  Hinihintay niya si Manuel na makababa rito,  mula sa kuwarto nito nasa second floor.

Kalahating oras din ang nakalipas bago bumaba si Manuel.  Bitbit ng kanan kamay nito ang bag na kulay itim na ang laman ay komputer laptop at mga mahahalagang dokumento. Bitbit naman kaliwang kamay nito ang kurbata. Nilapag ni Manuel ang bag na dala nito sa ibabaw coffee table.  Inayos ang kurbata sa leeg niya.

“Ako na ang gagawa,” presenta niya.  Kinuha ang kurbata mula sa kamay ni Manuel.

“Thanks,” nakangiti pasasalamat ni Manuel.  “Galing ah,  saan ka natuto nito?”

Malungkot siya ngumiti. “Sa Daddy,” bigla ay naaalala niya ang kanyang Daddy Franco.  Ilang beses niya rin tinangka na tawagan ito sa telepono.  Ngunit hindi na nag riring ang nasa kabilang linya. “Kumusta na kaya siya?”

“Halika ka nga rito,” kinabig ni Manuel ang dalaga palapit sa dibdib nito. “Magiging okay rin ang lahat.”

“Sana nga,” maikling usal niya. “Late ka naman sa trabaho mo.” Aniya na lumayo na rito mula sa pagyakap ng binata.

“Huwag na lang kaya ako pumasok ng opisina?” natatawa sambit ni Manuel.

“Oy,  alis na,” natatawa rin nagtataboy niya sa binata.

“Sige na nga,” anito na kinuha ang bag atsaka sinukbit sa balikat.

“Hatid na kita hanggang sa kotse,” aniya sumabay na rito sa paglalakad ni Manuel.

“Yza.”

“Hmmm.”

“Mahal na mahal kita palagi mong tandaan ‘yan.” May emosyon saglit na mailarawan sa mga mata ng binata.

“Mahal din kita,  Manuel.”

“Mag-iingat ka habang wala ako dito,” muli ay lumapat ang mga labi ni Manuel sa kanyang mga labi.  Magaan at mabilis na halik lang ang ginawa nito.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now