A Perfect Mistake

16 5 1
                                    

CHAPTER FIVE

“HELP!” May kalakasan ang boses ni Manuel ng huminto ang kotse minamaneho niya sa tapat ng entrance door ng hospital.  Mabilis ang bawat kilos niya.

Kaagad naman siya dinaluhan ng security guard na may wheelchair  itong tinutulak.  Mabilis ang kilos ng bawat isa upang ipasok sa loob ng Emergency Room,  si Yza na wala pa rin malay-tao.  Papasok na rin sana sa loob ng ER si Manuel ng harangan siya ng nurse.

“Sir,  sorry pero hindi po kayo allowed doon sa loob.” Anang Nurse na nagmamadaling sinara ang dahon ng pinto.

Walang nagawa si Manuel kung di ang maghintay na lamang dito sa labas ng pinto ng ER. Nakasandal siya sa dingding na nakahalukipkip habang nakatingala roon sa kisame,  tila ba naroon ang kasagutan ng mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isipan.

Naiinip na siya sa kahihintay sa Doctor na umaasikaso sa kay Yza.  Sobrang nag-alala rin siya sa kalagayan ng dalaga.

Panay ang buga niya ng hangin.  Pabalik-balik na rin siya naglalakad upang sa ganoon kahit paano ay maibsan ang inip na umaataki sa kanya.  Halos isang oras na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin lumabas mula roon ang Doctor.

Huminga siya ng malalim ng sa wakas ng mahabang paghihintay niya ay lumabas na rin mula sa loob ng Emergency Room ang Doctor na umaasikaso sa kay Yza.

Hindi nag-aksaya ng sandali si Manuel.  Hinakbang niya ang kanyang mga paa upang salubungin ang Doctor.  Hindi niya kaya ipaliwanag ang kabang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Doc,  how is she?” Tanong niya ng mag kaharap na sila ng Doctor.  Nababanaag niya sa hitsura nito ang matinding pagod.

“She's fine now.  But she must observe for such a pregnancy safely. Mabuti na lang nadala siya kaagad dito at naagapan ang pagdurugo ng pasyente.” Mahabang litanya ng Doctor.

“What do you mean,  Doc?” Pakiramdam niya nangangapa siya ng sasabihin.

“She's pregnant and she's almost lost her baby.”

“She's pregnant?” Mahinang sambit ni Manuel,  nakatingin doon sa nakabukas na dahon ng pinto ng Emergency Room.

“She is,  six weeks old.” Pagkonperma ng Doctor. “Nagkaroon din siya ng  fracture sa kanang binti niya.”

“How’s the baby?” Nag-alalang tanong ni Manuel na naikoyom ng lihim ang kanyang kamao. 

“For the main time,  under observation silang mag-ina.  Doble ingat na lang po tayo.  Don't worry,  Mr Sebastian from time to time we will observe her.” Anang Doctor na tinapik si Manuel sa balikat.

“Tuluyan na ba siya hindi nakakalakad?”

“Temporary lang ang bone fractures niya.  Nakakalakad din siya.  She's need therapy for the fast recovery.”

Tumatango-tango si Manuel.  Wala sa sariling napasabunot siya sa sariling buhok. “Damn it,” mahinang usal niya.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito Mr Manuel Sebastian?” Todo ngiti sabi ni  Dax.  Nakasuot din ito ng kulay puti na gown.  Doctor Dax Sebastisn his first cousin.

Kung hindi niya lang ito pinsan.  Talagang nasapak niya na si Dax at dito bunton ang galit niya.  Sa halip masamang tingin ang pinokol niya sa pinsan.

“Sorry,” anito na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko. “Sino ang dinala mo rito sa hospital?  Balita ko check's daw.”

Humarap siya sa pinsan. “Ikaw na muna ang bahala sa kanya. May pupuntahan lang ako.” Walang lingon likod na malalaking hakbang ng kanyang mga paa paalis at tiyak ang kanyang patutunguhan.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now